Hindi ko magawang lumingon sa kanya. Ayaw kong makita ang reaksyon niya. Ayaw ko na baka mas lalo lang lalalim ang pagmamahal ko sa kanya.

"Oo Clinton kaya tama na. Maghanap ka ng iba. Marami pang iba diyan. Experience lang kita. Experience din ako sayo. Kaya tama n-na." pumiyok ako sa huling salita dahil sa pagsikip ng aking dibdib sa iyak.

Huminga siya ng malalim.
"Okay if that's what you want. " narinig ko ang yapak niya palayo. Doon palang ako humarap sa direksyon niya at nakitang umilaw ang sasakyan niya hindi kalayuan at pinaharurot iyon ng mabilis.

Wasak,lasog lasog,punit at sira sira ang naramdaman ko ng gabing iyon.

Isang linggo na ang nakalipas simula no'n palagi na akong sinasamahan ni Jedd.

Papauwi sa condo ay hinatid ako ni Jedd. Jeddrick Delgado is handsome and nice. Approachable at magaan ang ere sa lahat. Ewan ko kung bakit hindi ako attracted man lang sa kanya. Mas gusto ng seryoso,brutal ang bawat galaw at napakaintimidate katulad ni.... CLinton.

Shit. Bakit hindi siya maalis sa isipan ko?

"Sigurado kang ayaw mong samahan kita?" tanong ni Jedd nang nakapark na ang sasakyan niya.

I smiled. "Wa'g na. Girls out and girls talk to Jedd hindi ka pwede."

Kinagat nito ang labi. Kinalas ko na ang seat belt ko nang maramdaman ang hininga niya na malapit sa akin.
Nang umangat ako ng tingin ay halos ilang dangkal nalang ang layo niya sakin.

"I want to kiss you." he whispered .

Hanggang ngayon wala parin . Hindi ko mahanap ang nadarama ko pareho kay Clinton.

"Just kiss me. "walang emosyon sabi ko.
Bigla nalang nito hinaklit ang batok ko at siniil ako nang gigil na halik .

Kumuyom ang kamao ko at napadiin ang akin mata ng pikit. Ni hindi ako makatugon. Hinayaan ko siya na halikan ako.

"Shit." anas nito.

Gumapang ang kamay nito sa hita ko. Hinayaan ko lamang iyon. Bumaba ang halik nito sa king leeg ,hinayaan ko iyon.

Nang gumapang pa pataas ang kamay nito agad ko na iyong pinigilan.

"Jedd stop." sinubukan kong wag ipakita ang inis ko.

"I'm sorry hon."

Nginitian ko siya na ipakitang okay lang. "Okay lang, pasok na ako." nagmamadali akong lumabas ng kotse niya.

Gosh! Ano ba tong pinasok ko?

Nang gumabi ay nag ayos ako dahil may usapan kami ni Jenn at Natalia na mag bar. Actually ako pala ang nagyaya. Noong kailan kasi ay naging busy kami sa sarili naming mga buhay. At matagal tagal na din na hindi na kami naka unwind.

Nagsuot ako ng black dress na fit sa aking ktawan. Pinuyod kolang ang aking buhok at naglagay ng light make up. Dinala ko ang aking kotse patungong Alcobar kung saan kami magkikita.

Sa labas palang ay dinig na ang hiyawan ng loob at ang rock music. Marami akong nakitang kakilala at mga classmates. Nginitian ko iyon bago pumasok. Bumungad agad sakin ang mga nagsasayawan sa dance floor.

Oh god. Headbang here,headbang there and headbang everywhere. Madami na ang nakaokupa sa mga sofa na grupo ng kababaihan at kalalakihan.

Sa dating puwesto ay nakita kong nandoon si Jen at Natalia.

May apat nang Jack n' coke sa mesa at lemon juice naman kay Natalia. Good girl talaga kahit kailan.

"Kylie!" Jenn gasped when she saw me.

Just LustWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu