Chapter Twenty Five - Time to Tie the Knots (Part One)

Start from the beginning
                                    

“Close your eyes.” Utos nito. He was putting an eye shadow. Sinabihan niya itong she wanted a simple but elegant look. Yung hindi masyadong simple at boring pero hindi naman mag mukhang matrona sa sobrang daming kolorete sa mukha niya. Just simple and elegant.

“Now open your eyes.” Pag bukas niya ng kanyang mga mata ay napanganga siya sa refleksyong nakikita sa salamin. Hindi naman sa pagmamayabang pero masasabi niyang maganda siya sa kung ano man ang ginawa sa kanya ni Vannie.

“Vannie, I look..” Hindi niya matapos ang kanyang salita. Tiningnan niya ang kanyang mukha from left to right. “What did you do?”

Ngumiti ito. “Actually, I just refined your features, Bree. You said simple and elegant, so tada!”

Pagkatapos nitong lagyan siya ng lipstick ay ang buhok na naman niya ang pinagtripan nito. “I’m going to curl your hair and tie it up loosely. Para magmukha ka talagang Goddess mamaya. Para din bagay sa motif ng kasal mo.”




Huh? Goddess? Motif? Ano pala ang motif ng kasal ko? Napakunot ang noo niya. I am so stupid. Sariling kasal pero hindi alam ang sariling motif sa wedding. Kakatwa ka Gaby! Napansin niyang tumigil sa pagsusuklay ng buhok si Vannie at tiningnan ang reaksyon niya sa salamin.

“Oh? Ba’t nakasimangot ka jan? Don’t tell me hindi mo alam ang motif ng sarili mong kasal?” Tanong nito. Telephatic ata ang bading na ‘to eh.

Ngumiti siya at umiling. “Not that. I just remembered something.” Pagsisinungaling niya. Nagkibit lang ito ng balikat at ipinagpatuloy ang pasusuklay ng buhok niya.

“Oo nga pala, Bree. Nasa kabilang kwarto ang wedding gown mo, doon ko inilatag kasabay ng shoes and everything. You will certainly look superb in the gown! Pang Goddess talaga ang peg! Nakakainggit ka ha! Ang ganda mo na nga, maganda pa ang gown mo, tapos ang yummy pa ng mapapangasawa mo!”

Hindi na niya binigyan pansin ang huling sinabi nito. Lahat naman ata ng kakilala niya ay iyon ang sinasabi. She’s used to it. Ang hindi niya lang maiwasang isipin ay ang kanyang gown. Alam niyang maganda ang pagkakagawa ni Tita Elle iyon, no doubt about that. Pero hindi niya pa iyon nakita! Ni hindi pa nga niya na fit iyon kung sakto ba iyon sa kanya. Sabi kasi ni Tita Elle ng tinawagan niya ito ay magiging surprise iyon para sa kanya. Iyon na din ang regalo nito for her.

A Deal is a DealWhere stories live. Discover now