"Ui, para talaga tayong family." si wong habang nakaupo katabe ang momski nya. "Pare parehas tayo ng sweater oh."

Saka ko pa lang napansin na oo nga 'no, pareho kameng tatlo na naka gray sweater ngayon, pag angat ko ng tingin ay saktong nagkatinginan kame ni jho. Napangiti na lang ako sa kanya at ganon din sya sa kin.


"Yieee....Nagkakangitian silaaaaa....." tukso ni deanna sa min. "Planado nyo yan 'no? Kaya pala, parang may nagsasabe sa kin na ito ang isuot ko kase itong "parents" ko ay naka gray din."

"Anong planado? Tigilan mo nga rin ako deanna." si jho at sumadal sa headboard. "Baka sya kamo?"

"Galing eh 'no." ako. " Sa kin mo talaga ibinaling. Ikaw nga 'tong panay ang tingin sa kin kanina, pag pasok ko na lang dito naka sweater ka na din tas magkakulay  pa talaga tayo." tas napatawa na lang ako kase di ko na mapigilan pa.

Actually, pareho kameng tumawa ng tumawa ni wong kaya ayun pinaghahampas kame ng unan ni jho.

"Stop na kase deans." ako na pilit ko ng pinipigilan ang tawa ko. Buti rin naman marunong makinig at nasunod naman ang tagapag mana ko.(naks!)

"You know what guys? Mag "family pic" naman tayo." si deanna at kinuha na agad ang phone nya. "Sige na. Dada, momski." nagpupumilit talaga si wong.

Nagkatinginan kame ulit ni jho. "Ako, okay lang. Ewan ko dyan sa momski mo." sabe ko.

"Sus, picture lang pala eh. Game." si jho.


Nagsuggest si deanna na higa na lang daw kameng tatlo, agad kong hinaltak sa tabe ko si jho baka maisipan na naman nya na gawing pagitan namen si deanna. Wais kaya 'tong hokage nyo.😁
Mukhang nahulaan naman ng baby ko yung gusto kong mangyare kaya sinamaan nya ako ng tingin pero nginitian ko lang sya.

Niyapos ko sya mula sa likod neto,bahagya kaseng nakatagilid sa kin ang baby ko. At para di na lalo pang maasar ang baby ko ay  nag sorry na ako sa kanya pero ibinulong ko na lang. Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"B-bakit ba?" reklamo ko habang hawak ko ang pisngi kong sinampal nya.

"Wag mo ng uulitin yun." si jho.

"Ano bang nangyare?" si deanna na nagulat pero natawa na rin pagkatapos.


"Nag sorry lang naman ako sa momski mo eh." sumbong ko sa anak namen.

"Wag sa tenga ko, okay." si jho na natawa na rin. "Patingin nga...." tas humarap sa kin at tiningnan ang pisngi kong namumula for sure. "Sorry beh."

"Ang sakit kaya......" kunyare nagtatampo ako. "Nakakalimutan mo yatang spiker ka."

"Sorry talaga." si jho na nakahawak sa pisngi ko.

Napatingin ako kay wong na ngayon ay nakaupo na at pinanonood ang parents nyang nag lalambingan. Ang lapad ng ngiti neto sa min, tas kumindat sa kin ang anak ko.Parang na gets ko naman yun kaya dada moves na ako, hehehehe may basbas naman ng anak namen eh.😁

"Pano kung mamaga ito, uuwi pa naman ako bukas sa min. Anong sasabihin ko kay mom kung magtanong sya?" ako.

"Ikaw naman kase eh." si jho na parang nagi-guilty na. "Lagyan na lang naten ng yelo---"

"Di naman yun ang makakapag pagaling dito eh...." ako.

"Eh ano?" si jho na nakatingin pa rin sa kin.

Pasimple kong sinulyapan si deanna na tumango naman ito. "Kiss mo na lang...."

"Iki-kiss ko?....." napakunot noo ito tas maya maya ay sinampal nya ulit ito.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now