Chapter 2

15 0 0
                                    

Hershey Chantal Torres

Kasalukuyang nasa mall kami ni Georgina dahil dito na kami kumain ng lunch after namin mamili ng mga regalo. Di pa rin ako maka move on sa nangyari kanina.

" Gosh, What if magkita kami ulit? What if maalala nya yun? What if maturn off sya sakin? What if layuan na nya ako sa twing lalapitan ko sya?. Di ko kaya kasi ikamamatay ng puso ko yun. " Sabi ko habang nakahalumbaba.

" Ikaw naman kasi may paglapit pa , nawala ka tuloy sa sarili mo. Umiwas ka na ka sa kanya para di nya maalala ang mga pinag gagawa mo. "

" Salamat sa payo huh! Grabe anlaki ng naitulong mo sa problema ko " sarcastic Kong sabi while rolling my eyes.

" You're welcome " ngiti nito nang nakakaasar.

" Shemms. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari.... "

" Ano ? Sana di ka na lumapit ?

" Hindi , Ako na mismo hahalik sa kanya para naman di nasayang effort ko "

Literal na napa face palm na lang si Georgina. Tinuloy na lang nya ang pag subo ng pagkain nya.

" Yay! May nakalimutan akong bilhin. Just stay here. Enjoy your food.

" Just promise me na babalikan mo ako. Hindi ko makakalimutan ang kamalditahang ginawa mo sa akin last week."

" Yeah Yeah ! What ever . "

Muling pumasok sa isipan ko kung paano kong iniwan mag isa si Georgina sa isang fast food chain. To be honest mabait naman talaga ako kaso minsan umiiral ang aking pagiging bully.

Nag iisa lang kasi akong anak. Attention lang ng mga parents ko ang hinihiling ko but sad to say they were all damn busy to their business. Akala nila porket binibigay na nila ang gusto ko masaya na ako dun. Lahat ng gusto ko nasusunod at nakukuha ko except Vishnu. Matagal ko na itong crush but every time na lalapitan ko ito laging may umeepal.

Mabilis akong lumakad papunta sa isang store kung saan narito lahat ng mga limited edition na CD's. Inilibot ko kaagad ang aking paningin upang hanapin ang bala ni Ed Sheeran. Napangiti naman ako ng may nakita akong nag iisa nang CD ng favorite singer ko. Akmang dadamputin ko na nang biglang may isa pang kamay ang humawak dito.

" Hey, it's mine already. Give it back to me. " Singhal ko sa lalaking nakatalikod na sa akin.

Humarap sya sakin at unti unting nag slow motion nang makita ko ang kanyang mukha. Mala James Reid ang datingan nya. Wait– mas wafu parin si Vish . Kinikilig ako tuloy pag naaalala ko sya.

" Stop smiling crazy girl. I know gwapo ako and about sa sinabi mo na it's yours ,look nauna ako sayong kunin to , kaya akin na to. "

Kabaliktaran ng mukha nya ang ugali. Inaamin ko may itsura sya pero yung ipagyabang pa nya , duhhh nakakainis .

" Anong iyo? Nauna ako sayo noh, di mo ba nakikita na kukunin ko na? ."

" Sorry pero I'm too much handsome to waste my time to a crazy girl like you "

" Wow huh ! Hooh ! Ang lakas ng hangin mo pwede pakihinaan . " Ani ko habang naka cross arms.

Aalis na sana yung hambog na lalaki kaso agad ko syang hinawakan sa braso.

" Akin na sabi yan eh " sigaw ko

" Hwag mo nga akong hawakan "

" I'll let you go but you need to give it back to me "

" What if I don't want ? May magagawa ka ba ? "

" Ibibigay mo ng kusa o ibibigay ng may pasa ? "

" Ang tapang mo naman, sayang ka medyo maganda ka sana pero wag kang mag imagine. Di porket sinabihan kita nang medyo maganda eh type na kita. "

" Wow huh ! FYI itong sinasabihan mo na medyo maganda, maraming nagkakagusto dito no. Ibigay mo na sakin yan kasi. "

" Say the magic word first." May kayabangan nitong sabi.

" Kung ine expect mong magpe please ako, in your dreams " Inis kong sabi. Konti na lang talaga at masasapak ko na to.

" Eh di abutin mo na lang. "

Itinaas nito ang CD. Naiinis na talaga ako. Talagang ipinamumuka nya sakin na maliit ako at matangkad sya. Katawa tawa man talagang pinilit ko pa rin ang pagtalon. Natigilan ako nang muling magsalita sya.

" Wait, si Ed Sheeran yun di ba ? "

Automatiko naman akong napalingon sa direksyon na kanyang itinuro. Gayon na lamang ang galit ko nang pagharap ko nasa counter na sya para bayaran ang pagma may ari ko. Kung gano katalim ang tingin ko sa kanya ay sya namang lawak ng ngiti nya na tila nang aasar pa.

' Ayy. Peste kang lalaki ka. Ang sarap mong itulak sa bangin. '

" Good bye miss. Panigurado ang sarap nang tulog ko mamaya while listening music.  I hope ganun ka rin " asar pa nito habang naglalakad papalayo.

Napapadyak na lang ako sa inis.

' Humanda ka saking tukmol ka pag nagkita tayo ulit '

Bumalik na ako sa kainan . Sinilip ko pa ang kaibigan ko na nakatingin sakin na may halong pagtataka.

" Anyare sayo ?  Bakit nakabusangot ang pretty face mo ? Bahala ka pag nahipan ng hangin yan baka di na bumalik sa normal ang feslak mo. "

" Gusto mo bang yang mukha mo ang di na bumalik sa normal ? " Inis kong sabi.

" Woahhh ! Calm down Hershey . Tell me, what happen at mainit ang ulo mo? " Tanong nito habang nasa ere ang dalawang kamay tanda nang pagsuko.

" May stupid lang naman na sumira ng araw ko. "

" Da who ? Buti di sya namatay sa iyong deadly glare . Hahahaha "

" Could you just shut up . Baka gusto mong iwanan ulit kita at paglakadin habang bitbit lahat ng pinamili natin " irita kong sabi. Lalo lang akong naiistress.
" Tara na at nang makapag beauty rest na tayo ."

As usual si Georgina na naman ang bumitbit ng mga pinamili namin. Sumakay na kami sa aking sasakyan at mabilis kong pinaandar para makauwi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Alphabet 💕Where stories live. Discover now