Factory Defect 2

127 8 3
                                    

“What the heck did you do, Mito?!”

Napaatras si Mito nang bulyawan s’ya ng head guardian nila. Gustong-gusto n’yang hawakan ang tainga para malaman kung nakadikit pa ba ito, pero ‘di n’ya magawa. Alam n’ya kasing mas magagalit ang head guardian sa kanya.

“You know very much that I’d sent you there to make sure that everything will—“

“Alam ko po,” mahinang pagkakasabi n’ya pero mukhang nakarating sa pinagpalang tainga ng head guardian nila. Lalo tuloy namula sa galit ang mukha nito.

“Alam mo pala!” Muling umikot ang mga mata ni Mito nang duruuin s’ya ng kanilang head guardian. “Bakit mo sinipa ang bomba? Bakit mo iniba ang nakatadhana? For pete’s sake, Mito! You are a guardian! Tell me your duty as a guardian.”

Nanatiling nakatingin lang si Mito sa lalaking nasa harap n’ya.

“Now!” Halos maputol ang mga ugat sa leeg ng head guradian nila nang isigaw ‘yon.

“Kailangan naming sigurudhin na mangyayari—ayon sa itinakda—ang lahat ng bagay sa mundo,” sagot ni Mito. Nakatingin lamang s’ya sa mesa na nakapagitan sa kanila.

Hindi alam ni Mito kung paanong naging isang guardian s’ya. Basta na lang kasi s’ya nagising sa isang kwarto at wala s’yang maalala. Hindi n’ya alam kung anong pangalan n’ya, bakit s’ya nandoon, anong ginagawa n’ya doon, o anong klaseng nilalang s’ya. Para s’yang isang sangol na bagong silang sa katawan ng isang binata. Daig pa s’ya ng may amnesia; dahil alam nitong may nakaraan itong dapat na alalahanin. S’ya? Wala.

Nasa loob lang s’ya ng isang puting kwarto. Puting dingding at sahig. Walang bintana. Isang puting pintuan lamang ang pwedeng labasan. Ang tanging gamit na naroon ay ang puting kamang pinagisingan n’ya at puting uanan at kumot. Walang tsinelas, mesa, baso o pagkain. Himala nga maliwanag doon kahit walang ilaw.

Mukha s’yang tanga nang nga panahong iyon. Hindi n’ya alam kung anong dapat isipin, anong dapat gawin? Nananatili lang s’yang nakatingin sa puting kisame. Walang anong bagay ang napasok sa isipan.

Ilang sandali mula nang magising s’ya ay pumasok  ang isang may katandaang lalaki. Ang buhok nito’y pinaghalong kulay itim at puti. Malinaw na rin ang mga linya sa gilid ng mata at labi na nagsasabi ng katandaan nito. Ang balbas nitong hindi man kahabaan ay malago at tulad ng buhok ay pinaghalong puti at itim ang kulay.

Nagpakilala ang lalaki bilang head guardian. Hindi nito sinabi ang pangalan. Head guardian lamang daw ang itawag dito. Ipinaliwanag nito kay Mito kung ano s’ya at kung bakit s’ya nandoon. Ipinaliwanag nito ang pagiging guardian n’ya at ang tungkulin n’ya.

Mula sa loob ng silid na ‘yon ay lumabas sila at lumibot sa loob ng factory. Fate factotry kung tawagin ito. Ito ang lugar kung saan pinaplano at itinatakda ang lahat ng mangyayari sa lupa.

Ang buong factory ay may limang palapag. Ang pang limang palapag ay tanging mga creator lamang ang pwedeng pumunta. Dito unang dinadala ang mga kaluluwa. Dito binubuo ng mga creator ang magiging paagkatao ng mga kaluluwa sa mundo. Kumbaga, pino-program ng mga creator ang bawat kaluluwa sa magiging itsura, ugali, mannerism, at iba pa. Pagkatpos ay ibababa na ito sa ikaapat na palapag.

Planner naman ang tawag sa nasa ikaapat na palapag.  Sila ang magpaplano kung anong mangyayari sa bawat kaluluwa sa mundo. Sila ang magtatakda kung ano ang kalalabasan ng bawat buhay ng mga tao at kung paanong magsasangay-sangay ang buhay ng bawat isa. Ano ang magiging epekto ng isa sa iba. Matapos ‘yon ay saka dadalhin sa palapag ng mga organizers—ang ikatlong palapag.

Sa puntong ito, mga organizers na ang magsasabi kung kailan dapat mangyari ang itinakda ng mga planner. Sila ang magsasabi ng eksaktong araw at oras ng bawat galaw ng tao. Kung iisipin madali na ang trabaho nila dahil halos nagawa na ang planners, ang nagpapahirap lamang ay ang himay-himay at maliliit na detalye ng kanilang trabaho. Kapag natapos na ang mga organizers, saka lamang dadalhin ang kaluluwa, kasama na ang program, plano at timeline sa factory—ito ang ikalawang palapag ng Fate factory.

Ang lahat ng nangyayari sa loob ng factory ay binabantayan ng mga nasa unang palapag na tinatawag na mga guardian. Sa lahat, guardian lamang ang may karapatang magpalibot-libot sa ikalawang palapag ng factory. Hindi lamang kasi sila pumunta sa lupa para siguruduhin ang na natutupad ang bawat plano. Sinisigurado rin nila na maayos na gumagana ang bawat makinarya na ginagamit sa bawat proseso.

Ito ang tinatawag ng mga tao na reincarnation. Tama, reincarnation lamang ginagawa sa Fate factory. Dito ang mga kaluluwa ng mga namaty ay nire-recycle lamang. Inaalisan ng dating ala-ala at saka papalitan ng bagong magiging kaluluwa. Bawat kaluluwa ay pinagpaplanuhan nang maigi ng bawat creators, planners at oraganizers ng kung anong nararapat na tadhana. Masyadong matagal ang bawat pagpaplano na inaabot pa ito ng limampung taon bago matapos.

Sa buong durasyon na nagpapaliwanag ang head guardian, ni minsan hindi nabanggit nito ang tungkol sa kung paanong naging guardian si Mito. Basta sinabi lamang na ‘yon ang nakatakda. Puro tungkol lamang sa factory at misyon ang binabanggit nito.

“Hindi ka muna babalik sa mundo.”

Bumalik lang sa kasalukuyan ang isip ni Mito sa sinabing ‘yon ng Head guardian. Gusto n’yang ngumisi ngunit pinigilan n’ya ang sarili. Baka bawiin ng huli ang sinabi. Tumango lamang s’ya at umalis nang palabasin s’ya nito.

Habang naglalakad papunta sa factory muling bumalik sa isipan ni Mito ang mga nangyari sa bus. Muling bumalik sa isip n’ya ang babaeng iyon... at ang ngiti nito sa labi. Naalala n’ya kung paanong unti-unting pumasok sa utak n’ya ang mangyayari pa lamang dito.

Dahil malapit lamang ito sa mismong bomba, isa ito sa pinakamaaapektuhan ng pagsabog. Maghihiwahiwalay ang ilang parte ng katawan nito at hindi makikilala ang mukha. Aabutin ng ilang linggo bago ito makikilala ng pamilya at mabubuo ang katawan nito. Magiging laman ng lahat ng dyaryo ang aksidente lalo na ang tungkol sa babaeng ‘yon. Magiging dahilan ‘yon ng isang malaking depresyon sa pamilya n’ya na halos sumira dito.

Hindi alam ni Mito kung bakit pero kinabahan s’ya nang husto nang maalala ‘yon. Isa kasi ‘yon sa mga detalye na pinakaayaw n’ya. Wala naman talaga s’yang pakialam sa mga pinagagawa ng mga organizers at planners. Natawa pa nga s’ya nang mabasa ang mangyayari sa babae. Hindi lang talaga n’ya inaasahan ang lahat sa loob ng bus.

Huminto si Mito sa paglalakad at tumingin sa salamin ng factory, see through ang salamin kaya nakikita n’ya ang nangyayari sa factory kasabay ng sariling replsksyon. Mula sa loob ng factory ay bumaling ang tingin ni Mito sa sariling mata.

“Ano bang pumasok sa utak mo, Mito?” nasabi n’ya habang nakatingin sa repleksyon ng sariling mata.

Fate FactoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon