Factory Defect 8

33 3 2
                                    


Kanina pa pabalik-balik ang tingin ni Alexa kay Mito. Hindi n'ya maintindiihan ang lahat. Paano nangyaring kaklase n'ya ito? Tatlong taon na s'ya sa college pero ni minsan hindi n'ya ito napansin. Imposible namang hindi n'ya agad ito mapansin. Kahit na may awra itong suplado at hindi malapitan, hindi pa rin maikakailang gwapo ito. Isang bagay na hindi nakakaligtas sa mga mata n'ya.

"P're, tunaw na. Pagpahingahin mo naman ang mga mata mo. May exam pa tayo. Baka hindi mo na 'yan magamit."

Napalingon s'ya kay Karin nang bumulong ito sa kanya. Ngumisi naman ito sa kanya bago pasimpleng tiningnan si Mito.

"Tumigil ka nga. Nakikinig ako kay Ma'am," pasimple n'yang sabi saka tiningnan ang librong hawak.

"Nasa page 176 na tayo."

Napapikit na lang s'ya nang tumawa nang mahina si Karin habang inililipat n'ya ang pahina ng libro. Dahan-dahan n'yang tiningnan si Mito at napanganga s'ya nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Umiling-iling pa ito na tila alam nito kung ano ang nangyayari. Siniko-siko naman s'ya ni Karin sa kanyang gilid.

Napabuntong-hininga na lamang s'ya bago muling bumaling sa libro n'ya. Pakiramdam n'ya sumasakit ang ulo n'ya sa mga nangyayari. Ilang araw pa lang ang nalipas pero pakiramdam n'ya isang taon na ang lumipas sa mga nangyayari.

Una, ang biglaang pagsulpot ni Mito. Noong una pasulpot-sulpot lang ito na may kasamang pakikialam sa mga ginagawa n'ya. Tapos malalaman na lang n'yang kaklase pala n'ya ito sa loob ng tatlong taon sa college.

Pangalawa, ang mga panaginip n'yang parang totoo. Ilang gabi na s'yang hindi makatulog ng ayos dahil pakiramdam n'ya mag-iiba ang katauhan n'ya paggising n'ya. Parang may isa pang tao na hindi n'ya kilala ang lumalabas sa kanya at kinukuha ang pagkatao n'ya. Ayaw n'yang seryosohin ang bagay na iyon dahil masyadong nakakatakot at sa pelikula lamang nangyayari pero alam n'yang hindi n'ya 'yon maiiwasan.

Itinuktok n'ya ang hawak na ballpen sa ulo na para bang malilinawan s'ya sa lahat ng nangyayari.

"Masyado ka naman yatang problemado? Wala tayong recitation o quiz ngayong araw," puna ni Chloe sa kanya.

Umiling lang s'ya bago tumayo. Nang papalabas na s'ya ng room ay pasimple n'yang sinulyapan si Mito. Nakatingin lang ang lalaki sa labas na tila bored na bored ito sa lahat ng nangyayari.

Inalis n'ya ang tingin dito saka nagpunta sa susunod n'yang klase.

----- ----- ---- --- -- -----

"Shemay, ano ba 'yan. Late na nga ako, ako pa ang manlilibre? Hindi talaga malalamangan, eh," nangingiti n'yang saad habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Mas napangiti s'ya nang sunod na mabasa ang text ni Angelo.

'Sungit, hayaan mo na sila. Tayo na lang ang gumala. :D'

Re-reply-an na sana n'ya ang nobyo nang mapalingon s'ya sa kabilang side ng bus. Nakita n'ya ang isang lalaking nakatingin sa bintana at tila bored na bored. Natigilan s'ya nang ang sumunod n'yang nakita ay isang eksena sa classroom. Palabas s'ya ng room at nakatingin sa isang lalaking nakatingin sa bintana at bored na bored.

Pabalikwas na bumangon si Alexa sa kama. Hingal na hingal s'ya at pawis na pawis. Nang tingnan n'ya ang alarm clock sa kanyang tabi ay nakita n'yang alas diyes na pala ng umaga. Muli s'yang humiga sa kanyang kama. Itinakip n'ya sa kanyang mga mata ang kanang braso.

Hayan na naman ang mga panaginip n'yang parang totoo. Ngayon, mas malinaw na ang mga ito at sa tuwing iisipin n'ya ay mas lalo pang lumilinaw.

Bakit nasa panaginip niya si Mito? Bakit ba hanggang panaginip niya ay hindi siya nilulubayan ni Mito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fate FactoryWhere stories live. Discover now