Factory Defect 3

68 6 0
                                    

"Balita ko nagawa na ang mga creators ng isang tao na tatak uli sa kasaysayan."

"Talaga? Sino naman 'yong gagawin nila? 'Di ba si Hitler ginawa nilang mangingisda sa sumunod n'yang buhay?"

"Ang malupit pa naging Hudyo s'ya."

Mula sa kinauupuan ni Mito ay dinig na dinig n'ya ang tawanan ng mga nasa kabilang mesa. Tiningnan n'ya ang mga ito at nakita n'yang nagre-review ang mga ito ng mga mangyayari sa lupa. Mukhang pupunta sila sa lupa para bantayan ang mga mangyayari doon.

"Naiisip ko nga, ano kaya ng mararamdaman ng mga tao kapag nalaman nila ang totoo? Malamang na magwala sila. Ayaw nila na kinokontrol sila pero heto planado pala kahit ang mga kinaayawan nila."

Muli nagtawanan ang tatlong guardian na nag-uusap.

Tiningnan ni Mito ang blue folder na hawak ng tatlong guardian at binasa ang number sa cover nito. PD|PH|03-21-15|23:45. Ayon doon ay magkakaroon ng isang political disaster sa Pilipinas sa March 21, 2015 at mangyayari 'yon sa ganap na 11:45 ng gabi. Tiningnan ni Mito ang orasan na nasa pader malapit sa kanila. Hinanap ang oras sa Pilipinas. Alas otso na ng gabi. Ibig sabihin ilang oras na lang at magaganap na ang Political Disaster na sinasabi sa blue folder na 'yon.

Tumayo na si Mito at lumapit sa tatlong guardian. Nakita n'ya sa leeg sa ibabang bahagi ng kaliwang tenga ng isa sa talong lalaking nag-uusap ang pangalan nito—Fort. Lahat ng guardian ay nakatatak ang pangalan sa leeg sa ibabang bahagi ng kanilang kaliwang tenga. Pero sa kanilang mga guradian lang 'yon. Hindi n'ya alam kung dahil ba marami silang guardian at para matandaan sila. Ang Head Guardian nila at supervisor ay wala namang mga pangalan.

Ang guardians ang may pinakamalaking sakop sa buong factory. Sa kanila kasi ang ikalawang palapag kung nasaan ang factory at ang unang palapag kung saan sila namamalagi at nandoon din ang opisina nila. 'Yon din ang dahilan kaya nahahati sila sa dalawa. Ang una ay tinatawang na Protectors kung saan sila ang namamahala sa pagbabantay sa mga nangyayari sa lupa samantalang ang ikalawa ay tinatawag na Keeper kung saan sila naman ang bahala sa pagbabantay ng factory at naniniguradong maayos ang takbo dito.

Sa dalawang grupo ay may isang namamahala na kung tawagin ay supervisors. Sila ang nagbabantay sa mga guardians sa mga ginagawa nila at sinusigurado na tumatakbo nang maayos at ayon sa itinakda ang lahat. Ang pinakamataas sa kanila ay ang head guardian nila na minsan lang nila makita.

"Fort," tawag ni Mito kaya napalingon sa kanya ang tatlo. "Pumunta na kayo sa lupa. Malapit na 'yong babantayan n'yo."

Bumaling ang lalaking nasa harapan ni Fort sa mga orasan. Dahilan para makita n'ya ang pangalan nito. Skyler.

"Lourd, alas otso na pala. Tara na." Tumayo na si Skyler at Lourd pero si Fort at nanatiling nakaupo at nakatingin kay Mito. Maya-maya pa ay ngumisi na ito.

"Mas maganda kung aalis kayo nang mas maaga. Para mas mabantayan n'yo ang mga nangyayari," muling saad ni Mito na ngayon ay nakatingin na kay Fort.

Tumaas ang kilay ni Fort na nagpakunot naman sa noo ni Mito.

"Talaga? Eh, kahit naman hindi kami umalis mangyayari pa rin ang itinakda," muling naglaro sa labi ni Fort ang isang nakakalokong ngiti. "Minsan nga mas delikado pa kapag may nagbabantay na guardian, 'di ba?"

Mabilis na napikon si Mito sa sinabi ni Fort pero pinigilan n'ya ang sarili. Tumiim ang bagang n'ya at kumuyom ang panga pero mas pinili n'yang 'wag na lang mag-react sa sinabi ni Fort. Mas lalo lang kasing lalaki ang gulo.

"Bahala kayo," nasabi na lang ni Mito bago tumalikod at bumalik sa kinauupuan n'yang mesa. Inayos ang mga papel doon at aktong aalis nang marinig n'yang muling nagsalita si Fort.

Fate FactoryWhere stories live. Discover now