5:Inlove?

217 9 1
                                    

Chapter 5:Inlove?

   Di ko parin maalis sa isip ko yung ginawa ni Staycee kay Tristan

"Ahhhh Keziah ano bang nangyayari sayo!" sigaw ko habang sinasambunutan ang sarili ko

*beep beep*

Tristan
Hi!

   Arghhh!! Nagparamdam pa to! sa sobrang inis ko hinagis ko yung phone ko sa higaan at tuluyan na akong nakatulog

Time Skip

Pagdating ko sa classroom lumilinga linga ako na parang may hinahanap oo hinahanap ko siya

Teka?! Bakit ko siya hinahanap ahhh

  dumiretso nalang ako sa upuan ko at yumuko gusto kong sabihin yung nangyayari sa akin kay Rianne kaso baka kung ano ano lang pagsasabi nun

Kahit nagkakaklase na di ako makapag focus sa tinuturo ni Sir..

Nababaliw ka na ba Keziah!!!

Break Time

"Let's go! " yaya ni Rianne sa akin agad naman akong tumango bilang tugon

"bakit parang lutang ka ngayong araw? " singit ni Rianne habang naglalakad kami papunta sa paborito naming café

"baka pagtawanan mo lang ako" sabi ko habang nakayuko

Sabihin ko nalang kaya...

  Nang makarating kami sa table tsaka ko kinuwento sa kanya

"It's all about Tristan" bulong ko sakanya na agad naman niyang kinagulat

"nagselos ka kahapon ano? " natatawang tanong nito

" no pero --" di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita

"wag mo nang i-deny" nakangising sabi nito sa akin

"di ko alam" napabuntong hininga nalang ako dahil kahit ako di ko rin alam ang nangyayari sa akin

"inlove ka na" natutuwang sabi ni Rianne habang tinutusok tusok ang bewang ko

"paano? " nalilitong tanong ko

"napapansin ko sa kilos mo"
sabi nito kaya agad ako tumingin sa kanya

"huh? " napakunot ang noo ko sa sabi niya.
Ohh so inoobserbahan niya ang mga kilos ko?

"napapansin ko na parang hinahanap mo siya tuwing darating ka sa classroom"

"naiinis ka sakanya pero alam kong may space diyan sa puso mo nahuhulog ka sakanya"

  Napanganga nalang ako dahil sa mga sinabi niya

Shet! Ngayon lang ako nainlove nang ganito

"mag order na nga lang tayo" pag iiba ko nang usapan

"ako nalang pipila"

Ako lang mag isa ngayon sa table namin habang nakatingin ako sa nga taong pumipila

nang biglang may naglapag ng slice ng cake sa table ko at nang tinignan ko kung sino ito bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko sa Tristan at naupo na siya sa tabi ko

Tristan.. Wag kang ganyan nababaliw ako eh

"vanilla yan" mahinahong sabi nito

"paborito mo yan diba" dugtong nito

Paano niya nalaman?

"ayaw ko" tanggi ko kahit na gustong gusto ko itong kainin

"bakit naman nagpakahirap akong pumila para diyan nakipagagawan pa ako diyan kasi isang slice nalang ang natitira" paliwanag nito habang nakayuko

Talagang nakipagagawan talaga siya para lang mabilhan ako

Tristan please huwag kang ganyan sa akin

"ayaw ko baka mamaya may gayuma yan" biro ko

"gayuma? " kunot noong sabi nito

"di ko kailangan ng gayuma, kaya kung mapasakin ka na walang gamit na gayuma"
Seryosong sabi nito

Natulala akong ng ilang segundo buti nalang at dumating si Rianne

"Ehem" sabi nito sabay nag pekeng ubo

"Keziah wala nang vanilla cake kinu-" di na natapos ni Rianne ang sasabihin niya nang nakita niya ang vanilla cake na nakalagay sa harapan ko

Ahhh so kay Rianne nakipagagawan ng cake si Tristan?

"ayy kaya naman pala" nakangising tingin sa amin ng Rianne

"Ayokong nagugutom ang baby ko" sabi nito sabay akbay sa akin agad naman akong kumalas ngunit ang higpit nang pagkakaakbay nito sa akin.

"don't call me that" seryosong sabi ko

"soon i can call you that" seryosong tugon din nito

Haysstt...Tristan please..

"Tristan! " tawag ng isang pamilyar na boses

"andito na naman siya" bulong ni Tristan na hanggang ngayon ay naka akbay sa akin

Agad namin nilingon kung sino ang paparating at nakita namin si Staycee

"Tristan!" tawag nito at napasimangot siya nang dumako ang tingin niya sa amin ni Tristan

"Sino nga palang mga kasama mo?" tanong nito kay Tristan habang nakatingin sa amin

"Ah si Rianne pinsan ko at si Keziah girlfriend ko" sabi nito sabay tingin sa akin

"Hindi---" di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko

Gago talaga to eh noh!

I felt my cheeks burning! Oh shit sana di niya mapansin

"ah oo nga pala may pupuntahan pa ako" pagiiba ng usapan ni Staycee at bago ito umalis ay umirap muna ito sa akin

Lakas ng loob te? huh! Magtaray ka kung maganda ka!

Sa wakas tinagal na rin ni Tristan ang kamay niyang kanina pa naka akbay sa akin

"oh my baby is blushing" sabi nito sa akin habang pinipisil ang pisnge ko

Oh shit!

"ano ba! Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko dito at tinanggal ang kamay niyang nasa pisnge ko

"oo baliw sayo"

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga kilos nito

"Eheeem" singit ni Rianne

"Hinay hinay lang baka magkatuluyan kayo niyan" kantyaw ni Rianne sa amin

"Talaga!" pag mamayabang ni Tristan

END OF CHAPTER 5





It's Always You!Where stories live. Discover now