2:Classmate?

319 11 0
                                    

Chapter 2:Classmate?

Now playing: Classmate - Hambog ng Sagpro

A/N:Pwede nyo pong i play ang music na ito habang nagbabasa para feel na feel hahaha..

***

   Mayamaya nagulat nalang kami ng biglang nagtilian yung mga kaklase naming mga babae nang may pumasok na tatlong lalake sa room isa na dun yung lalakeng nakabangga sa akin kanina

"Rianne, siya ba yung kanina? " tanong ko kay Rianne

"Yes why?"

"hmm wala lang"

"crush mo ano? " sabi nito habang kinikiliti ang bewang ko

Agad naman na umiling ako sus..di ako marupok noh!

Ilang minuto din ang lumipas bagi dumating ang prof namin.

"Okay so please introduce yourself infront one by one"sabi ng Prof. namin

Shet! Ito pinaka ayaw ko eh

"Hi my name is Keziah Maria Alvarez" pagpapakilala ko..

"Hi I'm Rianne Kate Lopez " bati ni Rianne

"Hello I'm Tristan Kent Austria"
Pagpapakilala nung lalakeng nakabangga sa amin

Tristan pala hah...

Magkatabi kami ni Rianne sa upuan at ang masaklap dun pa talaga umupo sa likuran namin yung Tristan at ngumingisi ngisi sa akin

Problema nito?

"Ano ba!! "napasigaw na lang ako ng may kanina pang nangangalabit sa likod ko lahat ng kaklase namin nakatingin sa akin pati na din yung Prof. namin

Ang kulit kasi eh di makapaghintay!

"Why Keziah? May problema ba? "tanong ng Prof. namin sa akin

"Uhm.. Wala po maam sorry po"sabi ko sabay lingon sa likod ko at inirapan ko yung lalakeng yun si Tristan nakakabuwiset siya.. Napahiya pa ako

***

break time na namin kaya dumiretso kami ni Rianne sa malapit na cafe para bumili ng inumin

"Ano gusto mo? " tanong ni Rianne sa akin dahil siya ang mag oorder

"Vanilla Milk tea lang" sagot ko

Vanilla talaga ang paborito kong flavor kahit sa smoothies and ice cream

"Okay, bantayan mo seat ko ah" paalala nito bago pumila para makapag order habang ako ito nilabas ang phone para makapag laro ng games

"May nakaupo nadiyan"sabi ko habang nakafocus padin sa cellphone ko

"Hi im Tristan"sabi nung taong umupo sa seat ni Rianne sabay abot ng kamay

"Hindi ko tinatanong" sabi ko sakanya habang hindi pa din tumitingin sa kanya

"Nakikipagkilala lang naman Hi Im Tristan"sabi niya ulit

Eto Talaga!! Ang kulit eh noh.. Nakakairita.. kanina pa to

"I Know! "sigaw ko sakanya sa sobrang inis

"Alam mo name ko? Siguro iniistalk mo ako noh? " pangaasar niya sa akin

Wow ha ako stalker? manigas siya!

"Kapal mo! "sigaw ko sakanya

"Tsskk.. So paano mo nalaman yung name ko? "
tanong niya sabay ngisi

Aba'y nang gagago talaga tong lalake na to eh sarap sapakin

"Syempre..nagpakilala tayo kanina isa isa diba. Tanga ka ba! " sigaw ko sakanya

"Aray! Tanga daw" pangaasar naman nung isa niyang kasama na kakarating lang

"Tumigil ka nga Ilong!"sabat ni Tristan

"Sorry pala kanina Keziah pati narin nung nabangga kita sa hallway" tila naging anghel anv mukha ni Tristan nang sinabi niya ito sa akin

"Sorry? Alam mo bang napahiya ako dahil sa yo hah!!"

"Alam ko kaya nga nagsosorry eh..."sabi nang ugok na yun

"iyo na yang sorry mo! "

"Ehem.. Anong meron?"
singit ni Rianne na may dalang tray na may lamang order namin

"Umalis ka nga! "sigaw ko kay Tristan na agad namang umalis sa harapan ko

"panira ka ng araw"dugtong ko pa

"Anong ginawa niya? " tanong ni Rianne habang tinutusok ang straw sa milk tea niya

"ang kulit kasi eh kanina pa yan classroom" paliwanag ko habang humihigop ako ng Milk tea ko

Nakita kong nakangisi si Rianne na mukhang nang aasar

"anong nakakatawa?"

"wala lang ang cute niyong dalawa! " sabi nito sabay ngiti

Buwiset!

END OF CHAPTER 2

It's Always You!Where stories live. Discover now