Epilogue Part 1. (The Final Chapter)

583 8 0
                                    

A/N: So tapusin na natin to? SALAMAT. Hintayin niyo yung FINAL DES7INATION. Sa mga silent readers, maraming maraming maraming salamat po. Kahit nasanay kayo sa short updates at sa kung ano ano pa. Maraming salamat sa nagbasa. Mahal na mahal ko kayo kahit mga silent readers kayo. HAHAHAHAHA

Para sayo to Ian Velez na sobrang kinukulit akong magupdate, Sana di mo makalimutan si Wendy. :D

PLEASE. MAGCOMMENT NAMAN KAYO NG REAKSYON NIYO SA CHAPTER NA ITO. HAHAHA.

----

*Wendy's POV*

Mabuti naman at Pumayag sila Clear na sumama sa akin papuntang canada, Dun kasi gustong isaboy ni Mom yung abo ni Julie, At doon na daw kami titira.

Nasa eroplano kami, Hinawakan ko yung kamay ni Clear ng mahigpit.

"Wag kang kabahan, Walang mangyayaring masama dito." Sabi ko sa kanya at nginitian niya ako, Sinuot niya na din ang Headphones niya. Alam kong hindi dito sa eroplano magaganap ang katapusan namin. Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.

Pero bakit sobrang bilis ng tibok ng Puso ko?

Kinuha ko ang bag ko at kinuha ko sa loob ang litrato naming dalawa ni Julie. Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na wala na siya, na wala na akong proprotektahan kundi sina Clear at Simon nalang.

Nakalapag kami sa Canada ng Ligtas, At nakahinga naman ako ng maluwag, Sa wakas, at makikita ko na din ang mga magulang ko.

Miss na kita Julie.

Hawak hawak ko ang Abo ni Julie, Nakalagay ito sa Itim na Jar. Nakalagay ito sa isang box na may nakalagay na fragile.

Sinalubong ko si mama ng Umiiyak, Hindi ko na napigilang maluha dahil sa mga nangyari sa akin.

"Sorry mama. Hindi ko naprotektahan si Julie."

"Ok lng yan anak. Mabuti ng natapos na ang paghihirap niya."

Eh ako, Hanggang kailan ba matatapos ang paghihirap ko?

Binigay ko kay Mama ang Box na naglalaman ng abo ni Julie, At yinakap ko naman ang tatay ko, Nakita kong hawak niya ang susi ng sasakyan. Bigla akong kinabahan.

Pinakilala ko sa kanila si Simon at Clear at Pumasok na kami ng sasakyan.

Habang nasa sasakyan ay kinamusta kami ni mama at papa. Kung ano bang nangyari habang nasa US kami, kung kamusta, Lahat lahat. Kinilala din nila si Simon at Clear, Gustong gusto ng mama ko si simon.

Nagdadrive si Papa ng Kotse, Si mama ang katabi niya, Hawak ni mama ang Box at kaming tatlo ay nasa likod. Yung mga gamit naman namin ay nasa compartment.

"Eh nasan na nga pala si--" Naputol ang sinasabi ni Papa nung nakita niyang nagkagulo ang mga sasakyan sa harapan, Kaya naman umiwas iwas siya dito, Maraming sasakyan ang nagkabangga, Ang dami kong nakikitang sunog na sasakyan sa paligid, Ang bilis pa din ng pagpapatakbo ng tatay ko dahil nagpapanic na kami sa loob.

Natapon sa hangin ang sasakyan namin at Napadpad kami sa tapat ng poste ng Kuryente.

Nahihilo ako at nanghihina, Nabasag kasi ang Salamin ng Bintana sa tabi ko dahil sa pagkakaumpog ko.

Natapon ang Abo ni Julie sa sahig ng kotse, Si Simon naman ay natusok ng mga bubog sa mata at sa parte ng mukha. Si Clear Dilat ang mata habang wala ng buhay.

Nakataob ang Kotse namin.

Binuksan ko ang Pinto ng Kotse at lumabas ako, Kasi di ako nakalabas ng maayos kasi naipit ang paa ko sa pinto, Pinipilit kong Makalabas ng Kotse.

Pero biglang nakita ko ang isang Poste ng Kuryente na papalapit na sa mukha ko at handa akong durugin ng buhay.

--

 Nagising ako sa Vision ko, Nakatitig ako sa Susi ng Kotse ng Tatay ko. Ibig sabihin ba nun, Sa ganung paraan matatapos ang buhay ko? Bakit kailangan pang idamay ni kamatayan ang buhay ng mga magulang ko eh wala naman silang kinalaman dito.

Kaya naman kinuha ko ang susi ng Kotse ng sasakyan ng tatay ko, at Minaneho ko, Inapakan ko Ang accelerator ng sasakyan at hinanap ang pinaka malapit na poste ng kuryente.

Kailangang hindi ko na madamay pa ang mga magulang ko.

*Clear's POV*

 Pagkatapos magyakapan ni Wendy at Tatay niya, Biglang may gumising kay Wendy na kung anong bagay. 

Nagulat ako ng biglang kinuha ni Wendy ang Susi ng kotse ng tatay niya at Pumasok sa sasakyan, Naabutan ko pa siya pero nasa loob na siya ng sasakyan, Kinakalampag ko ang Pintuan nito.

Nakita ko siyang binigkas ang katagang

"Salamat."

Hindi ko alam kung para saan yun, Ano kayang plinaplano niya?

Kaya naman tumakbo ang sasakyan, Hinabol ko siya Kaso hindi ko makayanan, at nakalayo din siya, Pero nakita kong binangga niya ang kotse niya sa isang poste ng kuryente, Kaya naman natumba ito at nalapag ang mga wires sa kotse niya.

Pumunta ako sa kotse kung nasaan siya.

Sumenyas ako kung naririnig niya ba ako, Pero 'hindi' ang isinagot niya.

Puta, Paano ko siya maililigtas kung hindi kami magkakaintindihan.

Nakita kong nagleleak na ang Gas ng kotse niya dahil nga nabangga ito, At kahit kailan, Maaring sumabog kami ng sabay kung hindi ko ito maagapan ng maaga.

"Hahawakan ko yung wire ng Kuryente, Kailangan mong makaalis habang hawak ko yung wire para makaalis ka ng buhay." Sumenyas ako kung naiintindihan niya ba.

Naalala ko yung ginawa ni Alex para sa akin, Ngayong gagawin ko ito para sa ibang tao.

Nakita ko siyang napapaluha habang tumatango, Ibig sabihin, Naiintindihan niya yung sinasabi ko. Ang ibig sabihin, Alam niya kung anong susunod na gagawin ko.

Magkikita na tayo Alex.

*Wendy's POV*

Sumesenyas siya sa akin habang nagsasalita, Hindi ko siya marinig pero naiintindihan ko yung pagbuka ng bibig niya. Hindi ko alam kung susunod ba ako sa utos niya, Ayos na sa akin yun, Kaysa naman sa dalawa kaming mamatay at wala ng matira.

Umaakto na siya para hawakan yung wire , at nilalapit ko na din yung daliri ko sa open nung lock, Kasi yung hahawakan ko ngayon yun, Makukuryente ako.

Hinawakan niya na yun at sabay binilisan kong makalabas ng kotse. Nakita kong tumalsik siya dahil sa lakas ng kuryente at nasunog din ang ibang parte ng damit niya.

"Clear." Unti-unting tumulo ang Luha ko.

"Wag kang magalala Wendy, andito pa ang mga magulang mo, Ang sa akin, Wala na, yung kakamabal ko iniwanan na ako, at wala ng natira sa mga kaibigan  ko. Kaya ayos lang tong ginawa ko. Para na din sa ikakatahimik ng lahat." At kasabay nito, Ipinikit na niya ang mga mata niya.

 Lalo akong naiyak sa sinabi niya, Pakiramdam ko ay napakahina kong bata. Feeling ko wala akong kwentang visionary.

Dumating ang ambulansya at nilagay nila sa Stretcher si Clear.

Hindi ako sigurado kung buhay pa ba o patay na si Clear.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Where stories live. Discover now