Chapter 18. (Ang Payo)

596 5 7
                                    

Simula ng maencounter ni Clear ang mga ganitong nangyayari, Pinupuntahan na niya ang Embalmer na tumulong sa kanila noon pa. Pero totoo kayang tinutulungan talaga siya nito?

Ganun pa din, Same setting, Lalabas ang embalmer na tulak tulak ang Katawan ng nakaraang biktima, Pero ang biktima ngayon ay si James na Naletchon dahil sa pagkakatusok ng Metal Bar mula sa kanya bibig hanggang sa pwet.

Ngayon lang nagkatagpo si William at Wendy na halatang nandidiri sa nakikitang bangkay sa harapan niya.

Syempre kahit ilang beses na siyang nakakakita ng mga taong namatay sa harapan niya ay hindi pa din maalis sa kanya ang mandiri. Natural, Babae kasi siya.

"Ang ganda ng Bracelet mo." Sabi sa kanya ni William, na nakatingin sa Bracelet niya. 

(A/N: May story ang Bracelet ni Wendy sa pagitan nilang dalawa ni Julie, Kung napanood niyo ang Final Destination 3 ay malalaman niyo kagad yun. Pakicomment nalang sa iba yung istorya ng bracelet, Thank you!)

Sabay itinusok  ni William ang malaking Injection at Hinila ang Hilaan nito para makuha ang natitirang dugo ni James. Napatakip nalang ng Bibig si Wendy dahil sa pagkakagulat.

"Clear, Gusto ko ng Umalis." Sabi ni Wendy kay Clear.

"Maghintay ka na muna sa labas." Sagot ni Clear sa kanya, Kaya naman Lumabas na ito.

"Wait, sandali sama ako." Kaya naman sumunod na si Julie sa paglabas ni Wendy. Siguro hindi nila nakayanan ang makakita ng ganitong akto.

"Alam mo yang Si Wendy, Kahit ilang beses ng nakakita ng madurog na katawan o kaya naman mamatay sa harapan niya ay hindi pa din nasanay." Kwento ni William sa kanya.

"Teka, Pano mo nalaman ang Pangalan niya?" Tanong ni Clear sa kanya.

"Hindi mo pa ako nakilala." Sagot ni William sa kanya.

Tiningnan nalang siya ni Clear ng malalim. Pinagpatuloy ni William ang Trabaho niya ng Ilang minuto, Tahimik namang nakatingin si Clear habang ginagawa niya ang Trabaho niya.

Nakakunot lang ang noo niya habang ginagawa niya yun. Tahimik lang ang paligid, Mga pagtalsik lang dugo at mga makina lang ang maririnig mo.

Binasag ni William ang Katahimikan sa loob ng malamig na kwarto.

"Para maresolba yung problema, Kailangang mawala yung nauna."

Pinagisipan ni Clear ang mga katagang binitawan ni William.

Hanggang naisip niya ang Mga ito:

"Sa aming apat, Ako ang nauna. Kailangan kong mawala?"

Handa na kaya si Clear na ibigay ang Buhay para maresolba ang Problema?

ABANGAN.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Where stories live. Discover now