Chapter 13. (Ang kwento ng Survivor)

647 6 0
                                    

"Ano bang --" Magtatanong sana si Clear kaso naputol ang sinasabi niya.

"Alam ko na ang itatanong mo" Paguumpisa ni James. "Nasa barko din ako nung panahong yun. Kaso, Ipinuslit lang ako ng Pinsan ko. Kasabwat namin yung Executive Director ng Barko, Pero ang kapalit nun, Kailangan kong maging dishwasher ng isang resto sa barko habang papunta ng paris."

--*FlashBack*--

*James's POV*

Mamaya pa ako maguumpisa ng trabaho ko, Buti naman at pinayagan akong makisakay. Malaki din kasi yung atraso nun sa pinsan ko. Nahuli kasi ng Pinsan ko yung Director na nagnanakaw ng pera sa mga kita ng barko, Kaya naman sa pamamagitan ng pang bla-blackmail, Napayagan akong makasakay dito.

Ang sabi din samin nung director, Kailangan naming umarte na Hindi kami magkakilala ng pinsan ko.

Umiinom lang ako at nakaupo sa "bar" ng resto. Nang makita ko yung pinsan ko na lumapit sa isang babaeng lumuluha. 

Tinitingnan ko lang sila, Ano kayang susunod na mangyayari?

Tinuro ng Pinsan ko yung babaeng nakataas lang ang kilay habang tumitingin sa kanila. Kaya naman nilapitan ng kasama yung babaeng mataray.

Nagulat ako ng biglang nagsampalan yung babae at nagsabunutan sa sahig. Nakita kong bumababa sila ng barko, Kaya naman sumunod ako. Pero hindi ako nagpahalata, Tinitingnan ko lang sila.

Hanggang nakarating na kami sa baba, Natatakot akong maiwan sa barko dahil kung wala yung pinsan ko, Baka ipahuli pa ako ng manager dun. At wala pa yung pinsan ko na magpapatunay sa ginawang kagaguhan ng manager na yun.

So sobrang pagkataranta ko, Nakalimutan ko yung gamit ko sa taas, Pero Im sure na makakaakyat pa naman kami.

Eh kaso parang mukhang hindi na, Bumusina na yung barko, Iniakyat na nila yung rampahan.

Medyo lumayo na yung barko, Pero natatanaw mo pa din siya, Kaso, Kasing laki nalang ng tuldok. 

Nandito pa din ako sa waiting shed, Kunyari may hinihintay lang.

Nagulat ako nung sumabog bigla yung barko, Biglang umusok yung langit.

Yung mga pulis di magkandaugaga dito kung anong gagawin, Lalo na't medyo malayo na yung barko.

Naghintay pa ako ng ilang saglit dun, Dumating na yung mga pulis at pinapasok yung mga nakababa sa barko. Tumalikod na ako dahil paalis na. Nakalabas na ako ng terminal.

Biglang may sumabog sa loob.

Bumalik ako papasok, Nagulat ako na sumabog yung kotseng sinasakyan ng pinsan ko kanina. Hindi ko alam ang gagawin, Gusto kong lapitan yung kotse kaso natatakot ako.

Kaya umuwi ako pabalik, At nilimot kong nanggaling ako sa lugar na yon.

--*End of Flashback*--

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon