Match 01: four hearts

28 0 0
                                    

Love is in the air, and everywhere you feel it.

ISANG magarang kotse ang huminto sa tapat ng pribadong mataas na paaralan. At bumaba ang isang babaeng nasa 17 taong gulang. Bukod sa kagandahan ng mukha, may ibubuga din ito sa katangkaran at hubog ng pangangatawan. Makinis at mabuti ang balat na animo'y nilihi sa gatas. Mahaba at bagsak ang kulay itim na buhok at matangos ang ilong. You must say, you really admire the masterpiece of God when you look at her and at the same time maiisip mong napaka-unfair ng mundo dahil lahat ng blessings ay napunta sa kanya.

Being one of a kind, there is no way for her to not be the ultimate 'head turner' partida! Naka pe uniform lang siya.

Ang nakakainis pa dun? Balewala lang sa kanya ang lahat ng papuri at pakabighani ng mga taong nasa kanyang paligid na parang halaman at hangin lang na hindi pinapansin!

But despite of that, ang akala'y mala-anghel niyang panglabas ay...mala-anghel din pala ang panloob?

"Ow sorry! m-miss Mildred I'm sorry po hindi ko sinsadya!!"

Saglit na katahimikan..

"Okay lang, alam ko naman eh!"

😏

See? Ang bait niyaaaa! At ang malupit pa dun tinulungan niya pa patayo.

Umusbong na naman ang ingay sa paligid at puno 'yun ng papuri at kamangha. she was more like an angel in disguise and she is Mildred Dourine Alvarez.

Sa pedistrian lane sa paaralan ay may matandang babaeng hirap na hirap na tumatawid mabuti nalang at mabilis siyang inalalayan ng matangkad at matipunong lalaki na may sout na eyelass. Sa kadahilanang 'yun ay naligtas siya sa pagkabundol kung matatamaan siya ng SUV. kaagad rumisponde ang RTA.

"S-salamat hijo....m-muntik na akong mapahamak....pagpalain ka sana ng panginoon!"

ngumiti ang binata sa kapanatagan ng kanyang kalooban na ligtas na ang matanda.

"walang anuman po!" hinatid na niya ang matanda sa terminal ng jeep.

nang pumasok na ito sa paaralan kaagad sumalubong sa kanya ang gwardiya ng paaralan.

"hijo, nasaan ang uniporme mo?" matapang na tanong ng gwardiya. sa halip na matakot ay napakamot lang siya ng batok niya tila inosenteng walang kamuwang-muwang.

"ahm pasensya na po ulit manong--err sir kasi po hindi ko pa po napalitan ng bago eh!" kumunot ang noo ng gwardiya.

"diba binigyan na kita ng palugit? isang linggo, at kay haba na'yun para makahanap ka ng pera at mapalitan ang uniporme mo!" sa lakas ng boses nung gwardiya nakuha yun ng atensyon ng mga estudyanteng pumapasok. imbes na mahiya, prente lang siyang nakinig.

"Oo mahaba 'yun, pero para sa mga taong may desenteng trabaho, eh nagtitinda lang ng yelo ang mama ko at walang trabaho ang papa ko at may kapatid pa po akong inaalgaan marami pang mga pangangailangan sa bahay at hindi sapat ang kita ni nanay para mabili ang unipormeng sinasabi niyo. kaya pag pasensya na po kung hanggang ngayon hindi pa ako nakapagbili hayaan niyo po, maghahanap ako ng paraan bigyan niyo naman po ako ng isa pang palugit oh!" dahil sa haba ng sinabi ng binata, nakaramdam ng awa ang gwardiya at tumikhim.

"O sige, dalawang linggo! kapag hindi ka pa nakakapagbili ide-deritso kita sa principal"

"naku salamat po! 'wag kayong mag-alala magagawan ko 'yan ng paraan!"

napangiti siya dahil nakalusot na naman siya sa ikalawang pagkakataon. pero kailangan na niyang maghanap ng trabaho para siya na mismo ang tutustos sa pangangailangan niya sa pag-araal. ngunti paano?

Mix 'n matchWhere stories live. Discover now