Chapter 22. [Promise]

Start from the beginning
                                    

"Punyemas ka pre! Na-black eye si Nathan tapos sasabihin mo sinikmuraan mo lang?! Ako sinisisi ng tatay namin!"

"Pakielam ko?"

"Gago ka!"

Nagsuntukan pa sila at ng di ko na kinaya, lumapit na ko.

"Tama na nga!"

Tumigil sila at tumingin sakin parehas. Pinunasan ni Dylan yung dugo niya sa labi niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Malamang pipigilan kayo!" tinignan ko si Drake. "Ako na bahala dito."

Nag-nod siya sakin at lumapit kay Dylan. "Last na, pre." sabay suntok ulit kay Dylan. Napangiwi si Dylan sa suntok ni Drake.

Hinila ni Drake si Dylan patayo at bigla na lang nagpitik ng kamay si Drake, at maya-maya, nagpitik na rin ng kamay si Dylan. Huh?

"Bye, Hannah." sabi ni Drake sabay alis niya.

Nag-disperse na ang mga tao kasama na si Dara at naiwan kami ni Dylan na kasalukuyang nag-iinat.

"Grabe, sakit sa panga." rinig kong bulong niya.

"Ano yung pagpitik ng kamay? Ano ibig sabihin nun?"

"Ibig sabihin nun, tama na away." nag-inat pa siya habang nakatingin sakin. "O ano? Lakas ng loob mong pigilan kami ah."

"Malamang, kasi ako naman bubugbog sayo."

Bigla siyang nagsmirk. "Yang katawan mong walang laman? Bubugbugin ako? Wag na lang." tumalikod na siya para umalis pero hinarap ko kaagad siya sakin.

"Magpaliwanag ka nga sakin! Bakit mo binugbog si Nathan ha? Nag-date lang naman kami ah!"

"Eh pinapangunahan niya ko eh. Tss. Bakit, concern ka sa kanya? Dapat sakin ka maging concern! Tignan mo nga galos sa mukha ko!" nilapit niya pa mukha niya sakin pero tinulak ko siya.

My Gangster HusbandWhere stories live. Discover now