Chapter 45 - MYMFL

1.7K 34 0
                                    

Aia's POV

15 hours ang naging byahe ko papuntang Canada. Sinalubong ako ng mga pinsan ko at mga pamangkin.

"Zyln, we've missed you so much!" si Luanne, anak ng eldest sister ni mommy. Nag-group hug lang kami at sumakay na kami ng kotse nila.

"Sobrang na-miss ko din kayo, lalo na sila lola-mom!"

"Alam mo ba Zy, nung nalaman namin kagabi na pupunta ka dito, nagpaluto siya ng maraming foods para sa'yo!"

"Talaga? Waaah, nakakatuwa naman!"

Pagdating namin sa bahay ng grandparents ko sinalubong ako kaagad ng iba ko pang kamag-anak. Nakakatuwa kasi talagang na-miss namin ang isa't-isa. Nakalimutan ko tuloy pansamantala yung tungkol sa amin ni RD.

Kamusta na kaya siya?

Pagkatapos naming mag-dinner nagkwentuhan lang kami sandali magpipinsan. Alam ko naman na alam nila yung tungkol sa amin ni RD kasi kilala din naman nila yun at for sure nakikita nila sa facebook at instagram yung mga post ko.

Papunta na ako sa kwarto ko ng tawagin ako ng lolo-dad ko.

"Aia, apo!"

"Bakit po?"lumapit ako sa kanya at medyo umupo para maging ka-level ko siya. Naka-wheelchair kasi siya.

"I know what you are going through right now apo."

"Lolo..."

"Aia, love is the most beautiful thing to have, hardest thing to earn and most hurtful thing to lose... Hwag mong takasan ang problema. Hindi solusyon ang paglayo sa kanya. If you truly love him, anuman 'yang problema niyo mareresolba niyo rin yan. Hwag mong sayangin..."after niyang sabihin yun, ni-tap lang niya ang braso ko at umalis na.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Iniisip ko yung sinabi ni lolo dad. Sa tagal ng pinagsamahan namin ni RD, ganun-ganun na lang ba? Hindi ko pa nga naririnig yung side niya. Never ko naman siya igi-give up eh. Kaya lang naman ako pumunta dito simply because I need a break from my own thoughts. Baka kapag nagkita kami kaagad hindi ko pakinggan ang paliwanag niya. Ayokong magkamali ako ng desisyon kaya mabuti muna yung ganito.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon