Kabanata 9

0 0 0
                                    

Feith P.O.V

Limang buwan ang nakalipas.

"Anak, hindi ka pwedeng mawala sa party"

"Alright Dad."

"Papuntahin mo si Ellardy."

"A-ah...sige po. Sasabihin ko muna baka kasi busy."

"Hindi ka naman matatanggihan ng batang iyon."

Napaisip ako.

[Flashback]

"Open your mouth Ellardy, masarap to."

Napansin ko ang namumuong pawis sa mukha nya. Pero ipinagsawalang bahala ko iyon.

"Hmm...Masarap diba?"

Kahit nag-aalangan ay tumango sya.

"Eto pa-- Ellardy? Ayos ka lang? Bakit ang dami mong pula-pula sa muk-- pati sa braso…Ellardy anong nangyayari sayo?

"F-feith...alle--

"Oh my god! waiter...Help me! Tumawag kayo ng ambulansya...kuya! pleasee"

*Hospital*

Ano ba kasing nangyari dun? Bigla-bigla nalang mamumula at mawawalan ng malay. God nawa'y maging maayos na sya.

"Mrs. Martinez?"

Sounds good...but what? Did he called me a Mrs. Martinez? Tsk. mamaya na nga yun problemahin.

"Kamusta naman sya Doc?"

"You're husband is stable now. Allergy ang dahilan kung bakit maraming pula sa mukha at sa katawan. Kailangan nya lang ng pahinga...pwede na kayong pumasok sa loob."

"Thanks Doc. By the way we're not married. He's not my husband...for now."

Tumawa lang sya. Baliw anong nakakatawa sa sinabi ko? Bahala nga sya.

"Bakit di mo sinabing may allergy ka sa lobster?!"

"Actually...hindi lang sa lobster sa lahat ng seafoods."

"Eh bakit nga di mo sinabi?"

"Di ka naman kasi nagtano--aray ko naman. Hindi pa nga ako magaling eh." pagiinarte nya. "Hindi ko sinabi kasi ayoko namang isipin mong tinatanggihan  kita."

[Flashback 1.1]

"Tara sakay tayo sa roller coaster tayo, Exciting yun."

"A-ah…s-sige"

"Pagod kana ba? O sige huwag nalang"

"H-hindi. Ayos lang tara na?"

"Yehey! Thankyou"

---

"Ayan na. Umaandar na sya... Wooooooooooooh"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh"

"Exciting diba Ellardy? Woooooohhhhh Ellardy? Ellardy gising!

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh"

Nakatatlong ikot pa bago tumigil.

"Kuya! Kuya! patulong naman akong dalhin yung kasama ko do'n malapit sa upuan."

"Ano bang nangyari miss?"

"Nawalan na lang bigla ng malay kanina eh."

"Oh sige dito na. Aasikasuhin ko na ang ginagawa ko."

"Salamat po."

Tango lang ang kanyang tinugon at tinalikuran na ako.

Ano bang ginagawa kapag nawawalan ng malay? Gumana ka isip please...

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon