Kabanata 8

0 0 0
                                    

Feith P.O.V

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang dulo ng Field ng school na mapuno. Nakakarelax.

"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo
ng minsan lang magkadugtong,
Damang-dama na ang ugong nito..."

Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman. Nasasaktan na ako ng sobra...ayoko na. Kung panaginip lang to gisingin nyo ko...gusto ko ng magising.

"Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding-hindi ko ipararanas sayo, ibinubunyag ka ng iyong matang, sumisigaw ng pagsintang..."

"Hindi ka na ba matatapos sa kakaiyak mo?" kalmado nyang tanong.

"Ba't di papatulan ang pagsuyong nagkulang, tayo umaasang hilaga't kanluran, ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo, naririto ako ang sasagip sayo..."

"Wala kang alam sa nararamdaman ko!"

"Alam ko ang nararamdaman mo." aniya "Ang sobrang sakit at kalungkutang nararamdaman mo...alam ko. Kitang-kita ko."dagdag nya.

Natigilan ako sa kanyang sinabi, dahil iyon ang totoo.

"Saan nga ba patungo (saan nga ba patungo) kaya ba ka na hihiwagaan, ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo."

"Paano mo nalaman?"

"Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin ipauubaya nalang ba to sa hangin, huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo, naririto nakikinig sayo..."

"Masyado ka namang honest pwede naman itanggi." aniya at ngumisi "Anyway, ano  ba ang dahilan kung bakit umiiyak ang isang babae?"

Tiningnan ko lamang sya.

"Umiiyak ang mga babae minsan ay dahil sa sobrang tuwa...ngunit ang nasaksihan ko ay sakit dulot ng pag-ibig ang dahilan kung bakit tumutulo ang luha mo."

"Ipamukha mo pa!"

"Hindi naman sa ganun"

"Ganun ang dating sa akin!"

"Huwag ka ngang sumigaw. Isipin ng iba may LQ tayo."

Kapal ng mukha -_____-

"Paano mo makikita ang taong nagmamahal sayo kung palagi kang nakapikit kaiiyak sa maling tao."

Nabigla ako sa sinabi nya. Ganun na ba ako kaapektado? Hindi ko na napapansin ang mga taong nasa paligid ko.

"I know...It's not the right time to say this but...I like you"

"Ano?!"

"Hindi paba sapat ang sakit at lahat na hinding-hindi ko ipararanas sayo
"Sabi ko huwag kang sumigaw hahalikan kita dy-- aray ko naman! bakit ka nanghahampas?" Aniya habang hinihimas yung brasong hinampas ko.

"Bagay lang sayo yan."

"Mas bagay ta-- oh? mananakit ka nanaman. aniya ng nakaharang ang kanyang dalawang kamay sa ulo. "Wait okay? Let me finish first. I really really like you. Matagal na....kasing tagal ng ginagawa mong pagsunod sa ex mo...kasing tagal na ng pag-iyak mo."

Hindi ako makapaniwala...kanina lang nasasaktan ako ng sobra, ngayon ay nababalutan ng pagkamangha at pagtataka.

"Hayaan mong magpakilala sayo. Tutal naman ay kilala na kita...kilalang-kilala."

Konti nalang matatakot na talaga ko sa lalaking to. Pero ang gwapo naman nya masyado para katakut-- may sinabi ba akong gwapo sya? Noooooooo!.

Hindi dapat yan ang inisip mo Feith...nakakadiri ah. Ayan? Gwapo? Tsk. Malabo na mata mo.

"Okay ka lang? Namumula ka...may sakit ka ba?" Aniya at kinapa pa ang aking noo.

Hinawi ko ang kamay nya at tumingin sa kanya.

"A-ah...w-wala....ayos lang ako."

"Okay magpapakilala nako. I'm Ellardy Martinez." aniya at naglahad ng kamay. "Ang nagmamahal sayo" dagdag nya at kumindat.

Lamunin na ako ngayon ng lupa. Bakit ganito dulot ng lalaking ito sa sistema ko?

"Hmmm. Fei---"

"Feith Flores Martinez my queen" pagpapatuloy nya at nginisian ako. "I told you... I know you already" bulong nya.

*DUBDUB* *DUBDUB* *DUBDUB*

"L-lumayo ka nga sa akin!"

"I know you're beautiful...but I didn't know that you're much beautiful kapag nagbablush ka.

Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha dahil sa sinabi nya. Bakit ba hinahayaan ko syang kausapin ako ng ganito? Bakit napakalma nya ang kalooban ko? Ngayon lang naman kami nagkita...except sa kanya. Dahil sabi nya nga na matagal nya na akong gusto, ibig sabihin lagi nya akong nakikita...

Gusto ka lang, lagi ka na agad nakikita? Anong logic yan? Ang ganda mo naman masyado. Napangiti ako sa sarili kong naisip.

"Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita."

"Hindi ganun yon. Hindi pwedeng ganun. May mahal pako at hindi magandang tingnan kung may mahal pa ako at nililigawan mo ako. Unfair yun sayo."

Ayoko ng panakip butas. Kung magmamahal man ako ulit gusto ko ay dahil kusa kong naramdaman.

"Pero ayun ang gusto ko. Ayoko ng magsayang ng panahon at hayaang umiyak at masaktan ka ng paulit-ulit...kasi doble ang balik sa akin no'n. Bigyan mo ko ng pagkakataon. Kung iiyak ka man sa piling ko...ayon ay iyak ng dahil sa tuwa."

Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko. Sobrang bilis ng pangyayari.

"Hindi mo deserve ang masaktan. Feith deserve mong mahalin at maging masaya. Hayaan mo lang ako ang gumawa no'n...hayaan mo lang ako."

Niyakap ko sya. I know it's weird but who I am? who I am to judge his feelings? Oo, sobrang bilis pero alam mo yung pagkasinseridad ng mga salitang binibitiwan nya? Bumabaon e...tumatagos. Habang yakap ko sya ay dama ko ang tibok ng puso ng bawat isa. Tila'y nagkakarerahan sa sobrang bilis.

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon