Kabanata 1

4 0 0
                                    


Break-up

Feith P.O.V

Lunes ng umaga, panibagong araw panibagong buhay. Maaga akong nagising para maghanda pagpasok sa eskwelahan, pagkatapos maligo ay kumain at nagligpit ng pinagkainan. Since ako lang ang lagi ang mag-isa sa bahay, busy sina mama sa trabaho.

School~

Nakita ko na agad ang love of my life na naghihintay sakin. Nakasandal sa poste at nakapamulsa ang parehong kamay. Kumaway ako ng magtama ang paningin namin. Tumango naman sya at ngumiti saglit.

Lumapit ako sa kanya dahilan kung bakit umayos na sya ng pagtayo.

"Fei... can we talk ?"

"Xy, nag-uusap na tayo... aren't we?" biro ko dito. Ngumiti ito. Mapait na ngiti.

"Let's end it here Fei" aniya na kumalabog ng husto sa puso ko. Hindi ako nagsalita tumingin lang ako sa mga mata nya. Punong-puno ng kalungkutan, pagmama-kaawa.

Anong nangyari? Okay naman kami sa mga nagdaang araw. Wala akong matandaang nangyari para sabihin nya ang mga ito ngayon.

"No. Xymon... wag mokong biruin ng ganyan. yan na yata ang pinakapanget na joke na narinig ko mula sayo." sabi ko at tumawa ako ng pilit.

"I'm sorry Feith, sa tingin ko hanggang dito nalang tayo, hanggang dito nalang ako at ikaw... kung tayo talaga... sa huli magkakabalikan din tayo."

"Kung tayo talaga sa huli... bakit kailangan pang matapos dito... kung magiging tayo din naman sa huli..." Pigil ang luhang sagot ko dito. "Xymon bakit? bakit tatapusin kung pwede naman nating magkasamang harapin ang HULING sinasabi mo?!" dagdag ko na may halong lungkot at pagtataka.

Umiling sya tsaka tumingin sakin.

Hindi ako makapaniwala sa inaasta nya sakin ngayon, ang lalaking ayaw ma makitang umiiyak at nasasaktan ako ay nagawa sakin ito. Pinunasan ko ang luhang walang tigil sa pagpatak tsaka humugot ng malalim na paghinga bago magsalita ulit.

"Mahal na mahal kita pero kung ito ang iyong ikasasaya..." Sabi ko habang hawak  ko ang kanyang pisngi at tinitigan ang kanyang mukha, kinikilatis na para bang ito na ang huling beses na makikita iyon.
"Kung dito ka magiging masaya...MALAYA KANA" dagdag ko at ginawaran sya ng halik sa labi.

Bumuntong hininga muna ako bago sya talikuran.

Sobrang sakit. lalo na kung hindi mo talaga alam ang tunay nyang dahilan. Bawat hakbang ko ay may mga luhang naglalakbay papunta sa pisngi. Walang makapagsasabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Gusto kong magalit sa mundo pero sya ang mundo ko na sandaling tumigil dahil sa nangyari. Gusto kong magalit pero paano? masyado ko syang mahal para maramdaman ang galit sa puso ko.

Dreaming of youWhere stories live. Discover now