Chapter Thirty Six

Start from the beginning
                                    

Bigla akong napaigti nang marinig ang iyak ng anak ko. Lumabas ako at nakita si Tintin na namumula ang mukha dahil sa pag-iyak at umaagos ang luha mula sa mga mata. Hawak-hawak niya ang isang hita niya at bumaba ang mga mata ko doon. Nakita ko ang malaking sugat sa sa tuhod niya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nadapa yang anak mo. Paano ba naman kasi, nakikipaghabulan pa sa mga bata d'yan sa labas. Ilang beses ko na yan sinabihan na pumirmi na lang dito at tulungan akong magtinda." Sabi ni Mammy na nakasunod kay Tintin.

"Ikaw naman kasi." Naiiling na sabi ko. "Pumasok ka na nga dito, gamutin natin yang sugatin mo."

"Ayoko, lalagyan mo na naman ng alcohol 'to!" Lalo siyang ngumawa.

"Bakit naman kasi takbo ka ng takbo sa labas? Tirik na tirik ang araw, o!" Pinagpag ko ang ilang dumi na nasa tuhod niya.

"Nasaan ba si Jodie? Isusumbong ko si Marie sa kanya. Inaasar niya kasi ako, sabi niya para daw noodles ng pancit canton ang buhok ko kaya hinabol ko siya." Lumabi ito. Si Ninang ang taga-pagtanggol ni Tintin. Hinding-hindi niya hahayaang maapi ang anak ko. Kapag may nang-aaway kay Tintin at alam niyang dehado ito,  ang malditang bakla kong Ninang ang unang sumusugod. 

"Ikaw din kasi. Masyado kang pikon. Huwag mo na lang pansinin pag inaasar ka." Naiiling-iling na sabi ko habang inaalalayan siya papasok. Binanlawan ko ang tuhod niya bago ko siya inupo sa sofa at inilabas ang alcohol at bulak.

"Ayokong lagyan mo ko ng alcohol! Masakit yan!" Lalo siyang ngumawa nang lumuhod ako sa paanan niya at hinawakan ang tuhod niya.

"Pag hindi nilagyan ng alcohol yan, lalabas ang tren d'yan." Sabi ni Neil sa kanya.

"Weh? Paano kaya yun? Eh ang laki-laki ng tren." Tumulis ang nguso ni Tintin.

Tumawa siya ng bahagya. "Eh, di lalaki din yang sugat mo hanggang sa kasya na ang tren. Gusto mo ba nun?"

Sunod-sunod na umiling si Tintin. Napasigaw siya nang buhusan ko ang alcohol ang sugat niya at kinabig naman siya ni Neil at hinaplos-haplos nito ang buhok niya habang umiiyak siya.

"Sandali lang 'yan sakit. Kaysa naman lumabas ang tren d'yan, mas masakit yun." Malumanay na sabi ni Neil sa kanya. 

"Okay na, tapos na." Sabi ko bago ko hinalikan ang tuhod niya bago pinunasan ang luha niya. 

"Sandali, may dala akong candy dito." Dumukot si sir Neil sa bodybag niya at naglabas ng candy. Inabot niya iyon kay Tintin at tinanggap niya naman iyon.

"Nagbebenta ka din ba sa classroom niyo ng mga pastillas, yema, saka kendi? Parang si titser." Tanong ni Tintin habang binabalatan ang candy.

"Hindi. Binili ko lang yan sa tindahan." Natatawang sabi ni sir Neil. "Bakasyon niyo na din, ano?"

Tumango siya habang ngumunguya. "Best in Math ako saka Science at Filipino. Sa susunod, grade one na ako. Hindi ba, Saskia?"

"Oo." Ngumiti ako at hinalikan siya. 

"Bakit ka nga pala nandito ulit? Palagi ka na lang pumupunta dito kahit bakasyon na. Nililigawan mo na ba si Saskia?" Pumihit ang ulo niya kay Neil. 

"Tintin, ikaw talaga! Yang bibig mo, ah!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Oo, nililigawan ko ang mama mo." Sagot naman ni sir Neil.

Gulat na napatingin ako kay sir Neil, tumaas ang dalawang kilay ko.

"Nililigawan ko siya sa scholarship na inaalok ko. Alam ko kasing hindi masasayang sa kanya kung sakaling ibigay sa kanya iyon. Masipag kasi ang mama mo sa pag-aaral saka gusto niya talagang matuto. Bihira lang ang taong ganon sa panahon ngayon." 

Lipstick LullabyWhere stories live. Discover now