Chapter4:

8 2 0
                                    

*ikaw*

"Ako?" I asked with a flat tone

Napaubo naman sya at napaiwas ng tingin sakin, lumipas ang tatlumpong sigundo ng walang nagsasalita

"Wala ka bang balak bitawan ako?"
Bigla naman syang napatingin sa kamay nyang naka hawak sa wrist ko at agad nya itong binitawan

*Ang ibig kong sabihin, ikaw! bakit ka nandito?*

"Bat di mo itanong sa sarili mo yan?"

*ganyan ka ba talaga kausap?*

"Aalis nako"
tumalikod na muli ako ng biglang syang nag salita na nagpahinto naman sakin sa paglalakad

*Kaibigan ko yun..*
I faced him and saw that his expression turned soft

*kaibigan ko yung tumalon dito two years ago, he was my best friend, I saw him do it, at wala akong nagawa*
Nakatayo lang ako at tinitignan sya na para bang sa sarili nya isinisisi ang nangyare sa kaibigan nya, malipas ang ilang minuto na realize ko nalang na nakaupo na kami dito sa may wooden bench sa rooftop at pinag uusapan na namin yung kaiban nya na frustrate nga daw sa school at sa family, minsan nakikita nya nalang daw itong umiiyak bigla bigla at sinasaktan ang sarili nya, nalaman naman daw agad itong suicide dahil sa CCTV clip na narecord sa kaharap na building at sa confession ng parents nito, seryoso nyang ikinwento sakin ang bagay na ito at ako naman tahimik na nakikinig lang, akala ko nagbibiro lang sya na kaibigan nya nga yung tumalon dito, pero totoo pala, pinakita nito ang mga litrato nila. Tong rooftop daw ng school ang nagmistula nilang tambayan kaya, pinaraanan nyang mabuksan parin ito upang dito tumambay at ng lagi nyang maalala ang masasaya nilang ala ala ng kanyang kaibigang nawala na.

"Bakit mo kinwento sakin to?"
Pagtatanong ko sakanya

*Nakikita ko kasi sya sayo, parehong pareho kayo ng ugali, ako nga lang natatanging kaibigan nun eh*

"Natatakot ata ako sa sinasabi mo"

Napatawa sya bigla, maya maya sa di ko malamang dahilan napatawa nalang din ako, at sabay na kaming tumawa hanggang sa naubos na namin ang oras ng pagkekwentuhan at nag bell na

*San klase mo?*

"Sa C23 ako, eco1 class, ikaw?"

*Sa tower class ko, sige kita nalang tayo bukas sa klase*

"Sige"
Nag wave sya sakin habang nakangiti, nginitian ko din sya pabalik at nagtungo na kami sa kanya kanya naming klase.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

READ MEWhere stories live. Discover now