EPILOGUE

9 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa puntod ng taong pinakamamahal ko, at ng taong pilit kaming pinaglalayo. Mag-iisang taon narin nung namatay si Jack at si Japoy. Oo, magkatabi lang sila. Pinakiusapan ko kasi ang mga magulang ni Japoy na pagtabihin nalang sila.

Limang buwan kasi pagkatapos ng pagkamatay ni Jack ay sumulpot na sa buhay ko si Japoy.  Naaalala ko pa yung pilit na pagangkin niya sa akin…

Ilang araw din akong nagmukmok sa kwarto ko. Kahit na alam kong ito rin naman ang kahahantungan naming ni jack, di ko pa rin matanggap lalo na pag naiisip ko na si Japoy ang nanalo sa kanilang pustahan.

Sobrang naiinis ako kay Japoy. Di ko sya magawang kausapin at kahit tignan man lang. Minanipula niya ang lahat. Alam nyang si Jack ang unang mamamatay kaya kinuha nya agad ang tyansa. Ilang beses na rin siyang pumunta dito para makausap ako pero di ako lumalabas ng kwarto.

Halos buong araw siya nag hihintay at halos araw-araw pa. alam ko naming ginagawa nya iyon para makuha ang loob ko at nagbabasakali siyang mahulog ako sa kanya at palitan na si Jack. Ngunit kahit buong buhay nya pa gawin iyon, di ko na sya mapapatawad. Kinalimutan ko na rin ang alaala ko na isa sya sa pinakamatalik kong kaibigan.

Nag text siya sa akin,nagtatanong kung pwede bad aw kami mag-usap. Pumayag na ako para personal na masabi sa kanya na kung pewde ay tigilan na ako,na kahit wala na si Jack, si Jack pa rin hanggat nabubuhay pa ako.

Nireplyan ko siya at sinabing pumapayag ako. Susunduin nya na lang daw ako ditto sa bahay.

Nagbihis na ako, simple lang total di naman importante ang gagawin namin. Dumating siya ng bandang ala-sais sa bahay.

Japoy: Ang ganda mo pa rin Ninna.

Ako:  Saan tayo pupunta?

Japoy:  Saan mo ba gusto?

Ako: Kahit saan. Wala naman akong gusting gawin ngayon kundi magpahinga at kung maaari ay makasama na si Jack.

Japoy: …… Tara na.

Habang nasa loob ng kanyang sasakyan, katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Wala akong balak makipag-usap sa kanya. Hanggang sa dumating na kami sa isang Milk Tea House. Wala masyadong tao. Tahimik ang lugar. Medyo nakakaasiwa lalo na ang pakiramdam na kasama mo ang taong pinaka-ayaw mo makausap at makasama.

Japoy: Wag ka na malungkot sa pagkamatay ni Jack, Ninna. Nandito naman ako para alagaan ka at ibigay ang mga hindi naibigay ni Jack sayo.

Ako: Wala nang tutumbas pa kay Jack. Siya lang ang gusto ko, wala nang iba.

Japoy: Bakit ba hindi mo ako makita? Mahal na mahal kita Ninna, baka nga mas mahal pa kita kaysa kay Jack.

Ako: Tulad ng sinabi ko, siya lang ang mamahalin ko.

Japoy: Wala na siya. Di na sya babalik pa. Tanggapin mo na iyon.

Ako: Hindi! Ayoko! Kung magmamahal lang din naman ako ng iba bukod kay Jack,hindi ikaw iyon Japoy!

Japoy: Bakit hindi? Lagi akong nandiyan sa tabi mo pag kailangan mo, pinatunayan ko sayo na mahal na mahal kita kahit pa na may mahal kang iba.

Ako: Di natuturuan ang puso Japoy.

Japoy: Kung gugustuhin mo, kaya mo.

Ako: Di talaga kita kayang mahalin! Galit ako sayo at tingin ko di ko na mawawala iyon sa puso’t isip ko

Japoy: Argggggghhhhh!!!!! Akala ko ngayong wala na si Jack,ako naman ang mamahalin mo! Akala ko ako ang panalo sa pustahan naming pero kahit ata anong gawin ko matigas ang puso mo Ninna.

Ako: Matigas ang puso ko, oo, pero sayo lang. Pinaikot mo kami ni Jack! Pinaglaruan! Gumawa ka ng isang  kahibangang laro na alam mong ikaw ang mananalo. Mandaraya ka Japoy! Hindi ka karapat dapat mahalin! Sobrang sama mo!

Japoy: Mahal kita Ninna kaya ko nagawa iyon. Lahat gagawin ko makuha ka lamang!

Ako: Kahit pa para mangyari yun ay kailangan mong mandaya at manakit ng ibang tao? Matuto ka sa katotohanang di lahat ng gusto mo makukuha mo!

Umalis na ako sa lugar na iyon, masyado nang marami ang nasabi naming sa isat isa.

Makalipas ang tatlong araw.

“NINNA!” pagtawag sa akin ng isang kaibigan ko.

“Ano?”

“Nabalitaan mo na ba?”

“Ang alin?”

“Wala na si Japoy.”

“Ah. Wala na si Japoy…ANO?! Wala na si Japoy?!!”

“Namatay siya kagabi, aksidente daw. Hindi daw niya matanggap ang mga nangyari. Nakakita raw sila ng sulat sa kotse niya. ‘Panalo nga ako, hindi naman ako masaya.’ Lasing daw kasi siya kagabi. Sinubukan siyang itakbo sa ospital pero hindi na daw nakayanan.”

Namatay nalang ang kaibigan ko dahil sa hindi niya matanggap ang lahat. Magkalapit lang sila nung namatay si Jack. Yung dalawang taong importante sa buhay ko iniwan lang ako.

Sumugal sila sa isang laro na alam nila kung sino ang mananalo. Sa larong alam nilang buhay nila ang magiging kapalit…

Jack En PoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon