Kabanata 4

15 0 0
                                    

Ilang sandali na lang ay nandito na rin si Jack, kinakabahan ako hindi ko alam kung paano ko siya babatiin, kakausapin o paano ko siya sasagutin.

Ginawa ko na yung cake na paborito niya, at nandito ako sa garden ng kanilang bahay sabi kasi ng Ate niya dito na rin ako maghintay sa bahay nila.  Andami kong naiisip na magandang gawin kasama siya.

Limang oras na rin akong naghihintay dito. Sobrang tagal naman nila, hindi na rin nagtetext sa akin ang ate niya upang balitaan ako kung nasaan na sila. Asan na kaya siya?

“Ang lungkot mo naman, hindi ka ba masaya?” may biglang malamig na boses akong narinig mula sa aking likuran. Pamilyar rin ang boses na ito.

“Ha?” pagkalingon ko si Jack. Teka, ang puti. Baka imahinasyon ko lang na siya yun.

“Mukha kang nakakita nang multo ha, sabi ko hindi ka ba masaya?”

“Jack?!”

Hinawakan ko ang mukha niya, muntik ko na ngang sampalin dahil hindi ako naniniwalang siya na yun! Napakagwapo pa rin niya, at napakatangkad, medyo tumaba siya dahil kailangan niyang kumain ng marami para hindi siya manghina. Siya nga!

 “JACK! Ikaw nga!!”

Niyakap ko siya ng mahigpit ngunit nagakting siya na hindi siya makahinga kaya kinalas ko na ang pagyakap ko.

“Masyado mo naman akong namiss.”

“Ang kapal mo naman.”

“Kamusta ka naman? Ang tagal mo ring mag-isa dito. May bago ka na bang mahal?”

Naglakad-lakad kami sa may labas para magpahangin at magusap na rin. Iniwan namin yung cake, kakainin nalang daw niya yun mamaya.

“Napakalungkot kayang mag-isa. Andami kong naaalala.”

“Katulad ng alin? Naaalala mo yung napakagwapo kong mukha?”

Hinampas ko yung braso niya dahil napakahangin niya pa rin hanggang ngayon. Alam ko naman ng gwapo siya e. Wag niya ng ipaalala.

“Hindi.”

“Ang sama naman nito. Alam mo Ninna, namiss kita ng sobra.”

“Ako rin.”

“Oo nga pala. May naalala ako. Nililigawan pala kita ano?”

“Ah e. Oo.”

Naupo kami sa may bench sa ilalim ng puno sa isang bakanteng lugar malapit sa kanilang bahay. Napakahangin at kaunti lang ang tao.

“Ninna.” *naging seryoso ang mukha niya at biglang…* “Pwede ba kitang maging girlfriend?”

Ang pinakahihintay kong tanong niya sa akin! Oo! Sasagutin ko na siya ngayon din!

“Oo. Jack pwede na.”

“Talaga?!”

Tumango nalang ako. Upang sagutin siya. Niyakap niya ako ng mahigpit, wala siyang pakialam kung may makakita sa amin o  wala. Sobrang saya niya at sobrang saya ko rin.

“Kamusta naman ang sakit mo Jack?”

“Ah eh. Maayos naman.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Okay naman. Tara uwi na tayo? Kainin na natin yung cake na dala mo ha? Kainin na natin. Gutom na ako! Lika na?”

Mukha siyang bata na nagaaya sa kanyang nanay na bilihan siya ng isang balloon. Umuwi na kami at napakasaya ng mukha niyang ikinekwento sa kanyang ate ang pagsagot ko sakanya.

Jack En PoyWhere stories live. Discover now