Shoot 58 "Surprise"

Start from the beginning
                                    

Jace:
I almost forgot, Happy Birthday
Daniiii 🎉🎉

Nabigla ako sa chat ni Jace, I checked my phone's calendar. Holy shit, birthday ko na pala ngayon. I am not being OA sa pagkalimot dito pero nawala talaga siya sa isip ko dahil sa mga problema and sa load of works.

I just turned 19 today. How nice.

Danica:
Whoah, you're the first one who
greeted me. Lol.

Even I, nawala sa isip ko na
birthday ko haha!

Jace:
Una ako? Special kasi ako e.
I am not good at warm words
pero alam mo naman na nandito
ako lagi para sa'yo, 'diba?

Danica:
I know and I am always happy for that.

Nung mapansin kong malapit na ako sa starbucks ay agad akong nag-reply kay Jace.

Danica:
Later chat, I arrived at our meet
up place. See you soon, dude!

Jace:
Have fun!

Iniabot ko ang bayad kay manong driver bago ako bumaba ng cab. Dali-dali akong pumasok sa Starbucks at nakita ko silang nakaupo sa isang couch. "Eto na si Dani," Ericka shouted at hinampas naman siya sa balikat ni Sophia dahil sa lakas ng boses nito.

Habang papalapit ako sa kanila, nakita ko na may hawak na cake si Raydin. There's a 'Happy Birthday, Dani/Majesty' na nakalagay sa cake.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you..."

Nagsimula silang kantahin ang Happy birthday, ang simple man nang ginawa nila pero sobrang na-appreciate ko ito. "Pasensya na at hindi bongga ang nagawa naming surprise, late namin nabalitaan." Sabi ni Mateo.

"No, it's okay. Supposed to be iti-treat ko lang sana ang araw na ito as a normal day pero may paganito kayo, thank you!" Naluha ako dahil sa surprise na ginawa nila. Hindi ako palaiyak na tao pero masaya ako na naaalala nila ako.

"I hope na nagawa naming pasayahin," sabi naman ni Sophia. "Dahil diyan, I know a place na masarap ang mga pagkain. Treat ko." Deklara ni Sophia.

Sumigaw sa saya si Mateo at Ericka. Nakatingin ako kay Raydin and he just smiled on me. "Happy birthday, my queen." He said.

"Okaaay! Putulin muna nating 'yan landian ninyo. Save ninyo na 'yan mamaya. Gutom na 'ko, okay?" Sabat ni Sophia, umangkla siya sa braso ko at hinatak na ako palabas.

Sumakay silang tatlo sa kotse ni Mateo samantalang sa kotse ako ni Raydin sumakay. Habang nasa biyahe kami, "salamat sa ganito ninyong pakulo." Nakangiti kong sabi.

"Anything for you, hindi ko kakalimutan 'tong espesyal na araw para sa'yo." Sabi niya sa akin.

"There's nothing special with it naman e." Lalo na kung alam kong may family problem kami.

"It's special. Sa araw na ito, isinilang ang babaeng mamahalin ko habambuhay kung kaya't kailangan nating i-celebrate ito yearly." Sabi ni Raydin, nag-make face ako na ikinatawa niya.

"As the time goes by, pa-corny ka nang pa-corny, ha!" Sabi ko. Inilahad niya ang kanyang kamay at hinayaan ko naman siya na hawakan ang aking kanay at ipinagsalikop niya ang aming mga daliri.

School War OnlineWhere stories live. Discover now