8%

775 46 0
                                    

DINALA si Candid ni Spontaneous sa Burger Patrol, isang fast-food restaurant na nagse-serve ng giant burgers. Bukod sa malaking serving ng burgers at fries na iba't iba rin ang flavor, nagulat at natuwa rin siya sa naka-serve na drinks nila. Na-excite siya nang makita ang five tall glasses of different—flavored milkshakes.

"I love milkshakes!" bulalas ni Candid.

Ngumisi naman si Spontaneous. "I know."

"That's nice."

Nagkatinginan sila, saka sabay na natawa. Nag-high-five pa sila.

Inalalayan na siya ni Spontaneous sa sa mesa. Nang makaupo na sila nang nakaharap sa isa't isa, no'n lang napansin ni Candid na pang-isahan lang ang serving nila. Ibig sabihin, magshe-share sila sa pagkain. Pati sa mga milkshake na may twin drinking straw. Sa gitna naman ng mesa, imbes na bulaklak ang nasa vase ay dalawang maliit na heart-shaped balloons ang naroon. Nakasulat ang pangalan nila sa hugis-pusong mga lobo.

Pero ang mas ikinatuwa niya, nang bigyan siya ni Spontaneous ng isang bouquet ng red roses. Kahit pa alam niyang dahil lang 'yon sa love potion, natuwa pa rin siya dahil first time niyang makatanggap ng bulaklak galing sa isang lalaki.

Hindi napigilan ni Candid ang mapabungisngis. "You're so cheesy, Spon. Ang sarap mong sakalin nang matauhan ka."

Ipinatong nito ang mga braso sa mesa. Bumuntong-hininga ito pero hindi rin napigilang matawa. Magkaugali sila. Idinadaan sa ngiti at tawa ang stress. "I know. Ano sa tingin mo ang dahilan at lagi kong inuuntog ang sarili ko sa pader nitong nakaraan? Ang sakit na kaya. Minsan pa nga, nagkakabukol ako."

Ipinatong din ni Candid ang mga braso sa mesa habang binibigyan ng pekeng ngisi si Spontaneous. "Nagrereklamo ka na sa bukol mo? Try mo kayang magka-toothache paggising mo pa lang sa umaga."

Pumalatak ito, saka ikinulong sa mga kamay ang mukha niya. "At least ikaw, may remedy ang toothache mo. Ako, hopeless na. Hopelessly in love with you."

Mabilis na lumayo siya at niyakap ang sarili habang hinihimas-himas ang mga braso niya. Tumayo kasi ang mga balahibo niya sa kilabot. "That's so eeww."

Yumuko si Spontaneous hanggang sa nakasubsob na ang ulo sa mesa. "I know, right? I hate myself right now."

Naawa naman si Candid. Hindi rin naman gusto ni Spontaneous na malagay sa sitwasyon na 'yon. Siguro tama ang mga kaibigan nila. Masyado silang nape-pressure sa salitang "date" kaya nagiging awkward sila sa isa't isa ngayon.

"Spon, gusto mong mag-contest tayo? Hatiin natin 'tong giant burger natin sa gitna, 'tapos paunahan tayong maubos ang share natin," suhestiyon ni Candid. 'Yon ang madalas nilang gawin ni Spontaneous kapag nagha-hang out sila.

Mabilis na dumeretso ng upo ang lalaki, bumalik na ang aliwalas ng mukha. "Sure. If I win, can I kiss you as a prize?" Naiinis na sinabunutan nito ang sarili. "Gah! Sorry. Hindi ako 'yon. Sumipa na naman 'yong love potion."

Kahit alam ni Candid na epekto lang ng love potion kaya 'yon nasabi ni Spontaneous, hindi pa rin niya napigilan ang pag-iinit ng mga pisngi. Idinaan na lang niya sa tawa ang pagkapahiyang naramdaman.

Tumikhim si Spontaneous, namumula rin ang mukha. "Uhm, ganito na lang. Kung sino ang mananalo, siya ang magde-decide ng magiging endearment natin."

"Endearment? Kailangan pa ba natin 'yon?"

Nakangising tumango si Spontaneous. "Oo naman. Uso 'yon sa mga couple. Baka tumaas ang happiness meter natin kung may endearment tayo. Exciting 'yon."

Humalukipkip si Candid habang binibigyan ng nagdududang tingin ang lalaki. "Tuwing nakikita kita, wala akong ibang naiisip kundi ang toothache ko. Kapag ako ang nanalo, Toothy ang magiging endearment natin."

Napangiwi ito. "That's so awful." Kinuha nito ang bread knife, kasabay ng pagkislap ng determinasyon sa mga mata. "I have to win so I can call you 'Mine.'"

Bewitched Class Officers: Happy Together (Published)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن