“She’s not my bitch,” mariin niyang sabi saakin.
Tumawa ako ng pagak. “Okay, let me rephrase it… What’s with your girl?” Sarkastiko kong sabi. Ayaw niya yata na tinatawag na ‘bitch’ ang Kristina niya e.
“Mas lalong hindi ko siya babae, Beatrix!”
“Talaga? May nalalaman pa kayong endearment! Ano raw? Lapochka!? Pwe!” I ranted at umusog palayo sakanya. Alam kong tinitignan nanaman kami noong dalawang lalaki kanina. Napansin ko pang nagtinginan ang dalawa at bahagyang natawa. Punyetang lapochka na ‘yan!
Imbes na mapikon siya ay bigla lang siyang napangiti. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko at sinamaan ko siya ng tingin.
“O bakit nadamay pa ako? Narinig mo bang ginamitan ko siya ng endearment?” Nginisian niya ako at umusog palapit saakin. Cool na cool niyang idinantay ang braso niya sa steel bar na sinasandalan ko.
“Isa lang naman ang ginagamitan ko no’n…” aniya habang nakatingin sa mga mata ko saka niya biglang inilapit ang bibig niya sa tenga ko.
“Baby…” He huskily whispered in my ear. Namilog ang mga mata ko at nag-init ang mga pisngi ko kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Pati balahibo ko sa batok ay nagsitayuan na rin! Para akong napaso nang maramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko kaya bigla ko siyang itinulak. Tinawanan lang naman niya ako kaya mas lalo akong napasimangot. Hindi ko alam pero pagago ng pagago ang lalaking ‘to!
I glared at him. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
“Pikon…” Paratang niya saakin. Hindi ko na lang pinansin at tumingin na lang sa paligid. Nakita ko iyong cliff kung saan tatalon sina Kaye. Napasinghap ako nang may nakita akong tumalon. God! Where did they get the courage to do that?
Next stop namin ay sa Crystal Cove. Habang umaandar ang bangka papunta doon ay panay ang kwentuhan nila Yael at Matt. Kung minsan naman ay si Kaye rin ay kinakausap ako. Pero kami ni Yael ay hindi na nag-usap kahit na magkatabi pa rin kami. Nang makarating na kami sa Crystal Cove ay kasama pa rin namin yung dalawa. Pero kung tutuusin ay ang nasa plano ay kami lang dalawa ni Kaye ang magkasamang mag i-island hopping ngayon at alam ko na ang nasa plano nila ay sila lang ding dalawa.
Nagpicture kaagad kaming dalawa ni Kaye kung saan merong magagandang view. Kung minsan ay sumusulpot na lang sina Yael at Matt sa likod namin kapag nagse-selfie kami ni Kaye at nakikisama rin sila sa picture. Itong mga to, ang tatanda na marunong pang maki groupie. Yung isang cave lang ang pinuntahan naming apat, yung dalawa ay gusto pang pumunta sa pangalawang cave pero ako ay pasuko na dahil sa sobrang tirik ng araw. Kaya sa bandang huli ay kami nanaman ni Yael ang naiwan at ang dalawa ay sumugod pa rin.
“Ba’t di mo sinasamahan si Matt? Ikaw ang kasama niyang nagpunta dito tapos iniiwan mo siya.” Sabi ko kay Yael habang papunta kami doon sa may bangin na mayroon namang harang. Aaminin ko, medyo nabawasan ang inis ko sakanya ngayon kumpara kanina. Pareho kaming nakatingin sa dagat at sa paghampas ng mga alon sa mga mababang bato. It looks amazing and breathtaking.
“Kaysa naman ikaw ang iwanan ko.” He shrugged. And my stomach did that thing again. Diyos ko naman! Lahat na lang ba ng sasabihin niya ay nagre-react ng abnormal ang katawan ko?
“Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pa akong samahan. Kaya ko ang sarili ko…” Kaswal kong sagot para pagtakpan ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko. Ipinatong niya ang magkabila niyang braso sa may harang at tinignan niya ako kaya napatingin rin ako sakanya.
“I don’t leave easily… Talagang hindi mo ako maiintindihan dahil para sa’yo ay napakadaling bumitaw.” his voice is low but his words are screaming. Para akong nasampal ng paulit-ulit.
YOU ARE READING
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...
Chapter 4
Start from the beginning
