Chapter 4

33.5K 977 242
                                        

Curious

Kaye shot me a malicious look while hopping on the boat. Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya gamit ang mga mata. Hindi pa doon kay Kaye natapos ang mapang-asar na mga titig dahil nang sumunod si Matt ay mas lalo pa itong lumala. May kasama pang ngisi ang sakanya pero laking pasalamat ko na lang dahil hindi na nagsalita pa ang dalawa.

Next stop namin ay sa magic island para lang mag cliff diving.

“Tara na, Trix!” Excited na pag-aya saakin ni Kaye. Pareho na silang nakaready ngayon ni Matt. Si Yael naman ay hindi pa rin umaalis sa tabi ko. I slightly smiled at Kaye and shook my head.

“Hala… Bakit?” Nagtataka niyang tanong. I haven’t mentioned to her na kahit ilang beses na akong nagpunta dito sa Boracay ay ni minsan ay hindi ko naisipang mag cliff diving. Ayoko talaga.

“Hintayin kita dito.” Sabi ko na lang sakanya habang nakangiti.

Umiling siya. “Hindi na rin ako. Dito na lang ako.” Mabilis niyang sagot.

“Sus! I knew you’ll chicken out,” komento ni Matt. Mabilis siyang pinukulan ng masamang titig ni Kaye.

“Ayaw mo no’n Matthias? Hindi ko masasaksihan ang pagatras mo mamaya kapag ikaw na ang tatalon…” Ganti ni Kaye.

“Who says that I’ll back out, woman?”

“Umalis na nga kayo rito. Ako na ang bahala kay Beatrix, Kaye. Doon na lang kayo mag-away ni Matt.”

Nagulat ako sa biglang pasabad ni Yael at ganoon din si Matt.

“Ano, naduwag ka na rin?” Matt fired at Yael. Hindi niya yata nagustuhan ang anunsiyo ni Yael na hindi siya sasama.

“Umalis ka na lang, gago. Ang dami mo pang sinasabi.”

“Oo nga, umalis ka na lang! Maiiwan rin ako dito.” Sagot ni Kaye.

Matt squint his eyes at Kaye. “Hahayaan mo akong mag-isa doon? Baka ma-rape ako doon. Ikaw rin.” Pangongonsensya niya pa kay Kaye at bahagya akong natawa doon.

“Ang kapal nito!”

“Kaye, sige na. Ayos lang ako dito.” I cut their argument off saka ko binalingan ng tingin si Yael. “Ikaw rin, sumama ka na.” sabi ko sakanya.

Saglit niya akong tinignan bago umiling.Bago pa ako makasagot ay tinawag nanaman siya noong si Kristina na kasalukuyang kasama ang squad niya habang papalapit dito sa kinaroroonan namin. Pinababa na sina Kaye at Matt dahil masyado na kaming dumadami dito sa bandang likod.

“Are you going, Yael?” Kristina asked and flashed her sweetest smile.

“Sorry, no…” Yael replied apologetically.

Tumango-tango ito at saglit akong binalingan ng tingin bago ibinalik ang tingin kay Yael.

“Babysitting, I see…” Aniya at ngumisi. Naningkit ang mga mata ko at umigting ang aking bagang. What the fuck did this russian fish just said?

“Uhm, no, no…” sagot ni Yael at saglit akong tinignan.

Nagkibit balikat si Kristina. “See you later, lapochka…” Kinindatan niya pa si Yael bago siya tuluyang bumaba ng bangka. They were escorted by the two men. May sinabi iyong kasama ni Kristina sakanya gamit ang salita nila pagkatapos ay humagikgik silang lahat. Yung iba ay saglit pa akong sinulyapan.

“What’s with your bitch?” Naiinis kong tanong kay Yael.

Namilog ang mga mata niya pero kalaunan ay kumunot ang kanyang noo kasabay ng pag-igting ng kanyang bagang.

When We Crash (When Trilogy #2)Where stories live. Discover now