March 10, 2018

11 1 2
                                    

Dear Arya,
          Ito ang unang beses na seseryosohin ko ang pagsusulat sayo. Tamad ako magsulat kaya hindi ko alam kung balik pinacustomize ka pa ni ate para ibigay sa akin.

          Wala akong choice kundi sulatan ka kasi nagiging makalimutin na ako at hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Sana makatulong sa akin 'tong ginagawa ko.

         Kakauwi ko lang galing sa Socials and Gratitude Ball namin. Wala akong kakilala niisa sa table ko at di ko mahanap ang mga kaklase ko sa laki ng Convention Hall. Umupo na lang ako sa kung saan upuan nang mapagtanto kong di ko talaga mahahanap ang mga kaklase ko sa rami ng tao. Tinanggal ko yung heels ko at hinilot-hilot ang mga paa. Napatigil ako sa ginagawa ko
Nang biglang may nag-abot sa akin ng isang baso ng wine.

Syete! Otso! Nuwebe! Ang gwapo niya Arya! Kaya noong inabot niya sa akin yun ay napatitig ako sa kanya.
Dahan-dahan kong tinanggap ito mula sa kanya.

Siya: Cheers?

Itinaas niya ang baso niya na may wine rin.

Ako: Cheers.

Itinaas ko rin ang baso na hawak ko at nag toast kami bago ininom ang wine.

Siya: May I know why you're alone?

Ako:Di ko alam saan mga kaklase ko, eh. Ikaw ba?

Siya: Actually, my friend ditched me. Pinilit niya akong samahan siya dito kahit di naman talaga ako kasali tapos bigla na lang siyang nang-iwan sa akin dito.

Ako: Ahh..

Tapos... Tapos... Teka nakalimutan ko na naman ano kasunod nun. Huhu

Ah! Tahimik lang kami nun nang tumugtog ang musica. Inaya niya ako sa isang sayaw at sumama naman ako sa kanya sa dance floor.

Hanggang balikat lang pala niya ako kung hindi ako nakapagheels. Buti na lang at nasuot ko na ulit ang sapatos ko nang isayaw niya ako kaya hanggang leeg na niya ako. Okay na yun. It's an improvement!

He has broad shoulders. Hindi siya gaano kaputi ngunit yun ang isa na nagbibigay ng kagandahan sa kanyang feature. May makapal siyang kilay,  matangos na ilong,  nakakaakit na mata at mapupulang labi.  Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagsayaw. Hindi ko alam kung bakit ako naging komportable sa isang lalaking kakakilala ko pa lang.  Hindi ko alam kung bakit nararamdaman kong ligtas ako sa mga bisig niya (char lang. Haha)

Akala ko matagal ko pang makakasama si Prince Charming kaso biglang dumating ang isa sa mga kaklase ko at nakita ako. Lumapit siya at nag-excuse sa amin at pinamadali niya akong sumunod sa kanya kaya wala naman akong choice kundi magpaalam kay Prince Charming. Oo,  nakalimutan kong tanungin siya sa pangalan niya. Huhu, di ko talaga siya maa-add sa fb.

Ayun. Kaya pala ako tinawag ng kaklase ko kasi magkaclass picture kami.

Bago pa man ang disco, nagbihis na ako ng casual at umuwi.

Sayang. Di ko talaga natanong pangalan ni pogi.

AryaWhere stories live. Discover now