MAMA ❤

45 3 0
                                    

Ginawa ko ang tulang to nung naospital lola ko last last year.

Para sayo itong munting tula
Kaya magpagaling ka na
Upang mabasa ko na ito sayong harapan
Gaya ng pagkwekwento mo sayong nakaraan

Matigas man ang aking ulo
At pasaway man ako
Kung minsan ay palasagot naman
Pero ni minsan ay di mo ako sinukuan

Tandang tanda ko pa
Yung mga panahong ika'y sa akin alang ala
Mga yakap at haplos mo ay damang dama
Mga makahulugang pangaral ay sa akin mo ipinamana

Kaya bangon na
Ika'y miss na miss ko na
Lalo na ang iyong halakhak na walang humpay
Punong puno ng kulay
Na nagbibigay sa akin ng rason para mabuhay

Pagbaliktarin man ang mundo
Ikaw pa din ang gugustuhin ko
Kaya pakatandaan mo
Walang kapantay ang pagmamahal ko sayo
Mahal na mahal kita aking mama (lola)

PoeticaWhere stories live. Discover now