Mundong Di Patas

81 4 0
                                    

Spoken Word Poetry

Ako ay nagmumukmok sa isang sulok kung saan ako lang na mag isa.

Walang karamay , walang kausap , walang kasama.

Ako lang walang iba. Walang ibang taong gustong magpadama na ako ay di nag iisa.

Sa pamamalagi ko sa isang sulok ako ay natutong wag umasa sa iba. Wag umasa kasi kahit na anong hingi mo ng tulong ay di ka nila dadamayan. Di nila aabutin ang iyong kamay o yayakapin man lang upang ipadama sayo na di ka nag iisa.

Bagkus ikaw pa ay hihilahin nila pailalim. Pailalim kung saan ikaw ay hindi na makakaahon pa. Hindi makakaahon sa balon ng pighating nadarama.

Sa pamamalagi ko sa isang sulok ay natuto ako na tumayo sa mismong sarili kong paa. Sapagkat kapag pinakita kong ako ay mahina ay kanila lamang akong kukutyain ng mga mata nilang mapangutya

Pangungutya!

Pangungutya!

Pangungutya!

Iyan lang naman ang tangi nilang magagawa imbes na ika'y tulungan mas lalo ka pa nilang ibabaon. Ibabaon sa balon ng iyong pighati.
Sa pamamalagi ko sa sulok ay naging bulag , pipi at bingi.

Bulag sa mga pinapakita nilang di kanais nais.

Pipi sa mga nais kong ipabatid na tama na. Tama na at ako'y lunod na lunod na nga mas lalo niyo pang nilulunod sa pighati.

At bingi. Bingi sa mga sinasabi niyo na tila isang patalim na tumatama sa akin. Dahil sa tuwing sinasabi niyo ang mga katagang iyon ay parang nahihiwa ang puso ko.
Pusong akala ko manhid na sa lahat ng pighating aking dala dala. Dala dala dito.

Dito sa puso kong pagod na pagod na.

Sa pananatili ko sa isang sulok ay natuto akong wag sumuko. Wag sumuko sa kabila ng kanilang matang mapangutya. Sa mga bibig nilang matalas pa sa patalim kung mapaghusga.

Oras na.

Oras na upang umahon sa balon ng pighati at umalis sa isang sulok kung saan ang tanging nagagawa ko lang ay magmukmok.

Oras na upang kumawala sa mahigpit nilang paghawak sa aking mga paa upang malunod sa balon ng pighati.

At bago ko man lang lisanin ang sulok na ito. Nais kong magpasalamat.

Magpasalamat sa mga matang mapangutya at bibig na mapanghusga. Dahil jan sa wakas makakausad na ako sa bagong kinabukasan.

Kinabukasan na punong puno ng kasiyahan at walang pag aalinlangan.

PoeticaWhere stories live. Discover now