"Pangako" - edited

163 11 1
                                    

Pangako,
Ito ay isang salita na may pitong letra ,
Naalala mo pa ba kaya yung araw kung kelan tayong dalawa ay nangako sa isa't isa?
Yung pangakong walang iwanan tapos pangakong dadalhin hanggang sa kamatayan.
Meron pa ngang pangakong magsasama habangbuhay saka pangakong walang makakapag hiwalay.
Yung mga pangako na yun alam mo ba na isinapuso at sa aking isipan ay tinatak ko?
Tapos sabi ko pa nga wag kang mag alala.
Kasi lahat ng aking pangako ay di parang bula na mawawala.
Pero mahal anong nangyari? Para kang naging kabute.
Darating na lang bigla tapos mawawala sa isang kisap mata.
Katulad ng ibang pangako ito din ay napako.
Lahat ng mga pangakong binitawan agad mo din pa lang sinukuan.
Tapos malalaman ko nasa iba ka na agad na kandungan.

PoeticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon