Bakit Nga Ba Ikaw?

83 12 0
                                    


Sisimulan ko ang tulang ito sa tanong na bakit nga ba ikaw ?
Madami namang iba jan pero bakit ikaw ?
Bakit ikaw yung minahal ko ng ganito at kapag nawala ay nagmimistula akong tanga
Bakit ikaw ang kinabaliwan ko yung tipong hindi ako mapapakali hanggat wala ka

Ganito kasi yan eh basahin mong mabuti at itatak sa iyong puso at isipan
Ikaw kasi yung tipo ng tao na sa unang tingin ay aakalain mong basketbolista sa galing na mambola
Pero ikaw yung hayop kung dumiskarte pero daig pa ang magulang kung mag alala
Yung datingan ay manloloko pero mala anghel pala dahil sa katapatan at pagiging makatotoo

Bakit ikaw nga ba ang pinili kong mahalin imbes na iba?
Kasi ikaw ! Ikaw lang ang nagpatibok ng puso kong pihikan
Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng kakaibang kilig at di maabot abot na kasiyahan
Ikaw , ikaw ang nag iisang dahilan kung bakit itong pusong ito ay nananatili sa wasto

Sa totoo lang pwedeng siya , pwedeng iba ang gustuhin at mahalin
Pero ! Pero sayo natuon ang aking atensyon na tila ba may nagsasabi na ikaw , ikaw ang dapat kong ibigin
Tila ba nababalot ka ng kakaibang aura na nakakahalina at nakakaakit
Sa mga ngiti mo pa lang na nakakaaliw ay tila nakakawala na sa katinuan

Ang aking mga nabanggit ay iilan pa lamang kung bakit nga ba ikaw?
Pero sa totoo lang kahit ako ay hindi matukoy kung bakit ikaw !
Basta ang aking huling mga katagang pwedeng sabihin ay mahal kita
Mahal kita at mamahalin kita hanggang sa kaibuturan ng aking puso at kaluluwa

PoeticaWhere stories live. Discover now