Nakita ko ang iba't ibang speedboats na humarurot papunta sa iba't ibang direksiyon at ang ilan doon ay ang mga kaibigan kong tumulong sa paghahanap.

Agad ring nagkalat kung saan ang helicopters para mapabilis ang paghahanap.

I am really grateful that they're doing their best to help us save my kids. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sila para tulungan ako.

Akala ko dati, kaya ko ang lahat nang mag isa. Ngayon ko napatunayan na mas lumalakas pala sa pakiramdam kapag alam kong hindi ako nag iisa sa laban na 'to. I have them. I have my friends.

And I have Zavier, my husband...

"Oh my God! Ziana and Zavier, you need to hurry!" agad akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita ni Alex.

"Why?" si Zavier ang sumagot.

Kinakabahang nakikinig lamang ako sa susunod niyang sasabihin.

Please be safe, baby...

"Nakahawak lang sa isang bagay si Hazielle kaya nananatili siyang nakalutang. At sa nakikita ko ngayon, nanginginig na ang kamay niya at sobrang putla ng balat niya. Anytime bibitaw na siya! Wala siyang suot na life vest!" Alex said.

"Where to?!" kinakabahang tanong ni Zavier.

"Zavier on your left. Kayo ang pinakamalapit sa kaniya." saad ni James.

Agad namang tinahak ni Zavier ang kaliwang parte ng malawak na dagat na 'to.

Maya maya ay may palutang-lutang na bulto ng bata kaming nakita. Agad kong namataang si Hazielle iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting nag slide ang kamay niya sa hinahawakan at unti-unti ring lumulubog ang katawan niya.

No!

"No! Hazielle, hold on!" sigaw ko.

Nang tuluyan na siyang bumitaw, kusa ring tumulo ang mga luha ko. Lulusong na sana ako sa dagat nang pigilan ni Zavier ang braso ko. Agad itinigil ni Zavier ang speedboat at walang sabi-sabing tumalon sa tubig at sumisisid pailalim.

After a minute, umahon siya para sumagap ng hangin. Agad rin siyang sumisid ulit.

Sa pangalawang pag-ahon niya, bitbit niya na ang walang malay na katawan ni Hazielle at agad na inilagay sa speedboat. Mangiyak-ngiyak kong nilapitan ang walang malay na katawan ni Hazielle.

Agad ko namang kinuha sa kaniya si Hazielle at sumunod naman siyang sumakay sa speedboat at pinaharurot iyon pabalik.

"No, no. Hazielle, we're here now. Open your eyes baby." nagsusumamo kong sabi habang hinahaplos ang pisngi niya. "Zav! She's not breathing! Zav, our daughter!" itinigil niya sandali ang speedboat at binalingan kami.

Agad siyang lumapit kay Hazielle at binigyan ng hangin si Hazielle habang may nakalagay ang kamay niya sa may bandang dibdib ng anak ko at itinutulak iyon.

Hindi ako makapag isip nang kung ano. Naging blanko ang utak ko habang nakatingin sa walang malay na katawan ng anak ko. I can't lose my daughter.

God please, not her... not my baby!

"Breathe, baby. Breathe, damn it!" he said frustratedly while trying to do CPR.

"Hazielle, please." hinawakan ko ang kamay ng anak ko at inilapit iyon sa mukha ko.

Ang lamig lamig ng kamay niya. Kumulubot na rin ang balat niya sa kamay dahil sa tagal nitong nakababad sa tubig.

Agad akong nabuhayan ng loob nang umubo siya at may tubig na lumabas sa bibig niya.

She still remained unconscious but she's breathing already. Agad kong niyakap ang katawan niya.

Pinalibutan naman kami ni Zavier ng isang tuwalya saka niya pinaandar ang speedboat pabalik.

Kita namin sa dalampasigan na nakabalik na silang lahat at kami na lang ang hinihintay. Agad na isinakay sa stretcher ang katawan ng anak ko para isakay sa ambulansya.

"Mommy!" nabaling ang atensyon ko kay Hera na lumapit sa akin.

"How's Hazielle, Mom?" agad na tanong ni Hero.

"She's fine now but she needs to be check by the doctor." si Zavier ang sumagot sa tanong ni Hero dahil nanatili akong tahimik.

Lumapit sakin si Hero at niyakap ako, ganoon din ang ginawa ni Hera.

"She's fine now, Mom. Don't worry." Hera said.

Niyakap ko sila pabalik at hindi nagsalita.

"Come on, we need to go the hospital." yaya ni Zavier at agad akong inalalayang tumayo.

Nakahawak naman sa dalawa kong kamay si Hero at Hera habang pasakay kami ng van.

Nandoon na rin sa loob sila Alex at naghihintay. Sasama raw sila sa hospital para tignan ang lagay ni Hera.

Tahimik ako sa loob ng sasakyan. Katabi ko si Zavier habang nasa gilid niya si Hera at nasa gilid ko naman si Hero. Nandito kami sa pinakalikod.

Hinawakan ni Zavier ang kamay ko at pinisil iyon kaya napatingin ako sa kaniya.

"She's gonna be fine. Ang importante, nahanap na natin siya at ligtas na silang tatlo ngayon." aniya at nginitian ako.

Isinandal ko lamang sa balikat niya ang ulo ko.

Yumakap sa bewang ko si Hero at agad akong napangiti dahil kahit hindi niya sabihin, alam kong sinusubukan niya pagaanin ang loob ko.

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap pabalik.

...

The New Mafia Empress [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon