“Yes, Dom?” tanong ko dito.

“Hey, Allie. Hindi kita masusundo.” napasimangot ako.

“Why not?”

“Kakagising ko lang. Sorry.”

I smiled. “It’s okay, pwede naman ako magcommute.”

“No, wag ka magcommute. I asked someone a favor to fetch you. I really pleaded hard for this favor, so don’t please waste it. Okay?” sabi sa akin ni Dominic.

“Pwede naman ako magcommute, Dom.”

“No, Allie. Wag matigas ang ulo. Darating din siya diyan, at exactly ten AM. Hintayin mo siya, alright?”

I sighed. Mukhang wala naman na akong ibang magagawa kundi ang pumayag. Ayaw ko rin naman magcommute. Hassle kaya ang mamasahe. Mahal ang taxi from my place to our school kaya as much as possible, iniiwasan ko rin iyon.

“Alright.” narinig ko ang pagngiti ni Dominic sa kabilang linya.

“Good. Take care, Allie.”

“You too, Dom.” and then the line clicked.

Inalis ko ang phone mula sa gilid ng tenga ko at naabutan ko naman si Mommy na nakatingin sa akin at parang hinihintay na ikuwento ko ang napag-usapan namin ni Dom.

“What was that about?” huminga muna ako nang malalim.

“Dominic called to say na hindi niya ako masusundo. Pero meron daw magsusundo sa akin dito.”

“Who?” she asked.

I shrugged. “Hindi ko po alam. Sinabi lang sa akin na hiningi niya yung favor na yun sa friend niya.”

Hindi na inusisa ni Mommy ang tungkol sa susundo sa akin. I ate in peace. I took my time dahil forty-five minutes pa naman bago dumating ang sinasabi ni Dominic na susundo sa akin.

Pagkapaalam ko kay Mommy na aalis na ako ay lumabas na ako agad nang bahay. Muntik ko pa nga makalimutan magtoothbrush bago umalis, mabuti na lang at ipinaalala sa akin ni Mommy.Naglalakad pa lang ako palabas ng gate nang makita ko ang pamilyar na sasakyan na nasa harapan ng bahay namin. Napahinto ako sa paglalakad at unti-unti naman umuwang ang labi ko.

Arron.

Binilisan ko ang lakad ko at nagmamadaling lumabas para itanong kay Arron kung ano ang ginagawa niya dito when I strictly told him na hindi niya na ako kailangan sunduin. Kahit kailan talaga ay matigas ang ulo niya. Kung ano ang gusto niyang gawin ay gagawin niya–walang paki sa sasabihin ng iba. Typical Arron.

“What are you doing here?” sinalubong ako ng isang Arron na may dalang bouquet ng bulaklak na mukhang mamahalin at isang malaking box ng Ghirardelli. An expensive brand of chocolate.Nakasandal si Arron sa kotse niya nang maabutan ko. He was wearing this nervous look until he saw me. His nervousness disappeared when his signature smirk plastered across his face. Nasilayan ko naman ang sikat na dimple niya kaya pahirapan pa ako sa pagpigil ng ngiti.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon