Napaangat naman ng tingin sa direksyon ko si Tyler kaya agad naman akong umiwas. Anak ng tokneneng naman, bakit parang kinakabahan ako pagandito siya? Nawala nga lang yung hinanakit ko sa kanya eh naghuhuramentado ulit ng napakalakas tong puso ko.

“Xyra! Relax lang kayo dyan malapit na to.” Sabi ni Nathan habang nagpapaypay pa rin sa niluluto nila.

Tumango naman ako at umupo na sa tabi ni Char at Jade. Sila Jade naman ay hindi mapakali at panay ang titig kay Tyler. Hindi ko na napigilan at siniko na silang dalawa sa tagiliran at pinandilitan ng mga mata.

“Stop staring.” Bulong ko.

Nagsitanguan naman sila at agad na binaling sa iba ang tingin. Napailing naman ako, kaya ayaw ko sabihin sa kanila ang totoo kong nararamdmaan dahil alam kong hirap silang itago ito sa kanilang mga sarili.

“Dinner is serve!” sabi ni Nathan at nilapag na ang kanina pa nilang nilulutong karne.

Umupo naman si Nathan sa may harapan ko at si Tyler naman sa kanyang kanan, syempre naka t-shirt na tapos si Nathan may jacket pang suot, nalamigan ata kanina. Napalunok naman ako ng ilang beses habang pinipilit ang aking sarili na hindi lumingon sa direksyon niya. Sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nakatitig siya sa akin pero damn it wag niya naman ako bigyan ng dahilan para tumitig rin sa kanya. Ugh, nababaliw na ata ako.

“Xyra? Are you okay?” pagaalala ni Nathan.

Tumango naman ako at pilit na ngumiti sa kanya.

“You sure? Hindi mo kasi ginagalaw ang pagkain mo.” Sabi niya at ngumuso sa pagkain kong wala pang bawas.

Napabuntong hininga naman ako at dahang dahang kumain. Nang matapos kaming kumain ay nagyaya agad ang Black Horizon na pumunta sa dalampasigan at magbonfire. Naglahad naman ng kamay si Nathan sa akin at ngumiti.

“Tara?”

Napabuntong hininga naman ako. Okay forget the tensyon between me and Tyler. I’m here to have fun! Dapat kalimutan ko muna siya. Move on diba, Rien? Kaya dapat hindi mo muna siya isipin. It’s time to party! Tama na yung kaechosan ko na may feelings pa ako para sa kanya. Yes, may feelings ako pero syempre hindi ko yun ipapaalam sa kanya. Yes, may feelings pa ako pero I would really try my best to fall out of it. Psh.

Pumunta na kami ng dalampasigan at paikot na umupo habang nasa gitna naman ang bonfire. May nagsidatingan naman na mga nasa sampung babae at nakisali rin sa amin. Mga babae ata nila.

“The Great Tyler Montereal.” Malanding sabi ng babae at umupo sa tabi ni Tyler.

Nasa harapan ko sila kaya nandidiri ako habang tumitingin sa kanila. Seriously, medyo malayo naman kayo sa akin pero bakit ramdam na ramdam ko pa rin ang landian niyong dalawa? Maganda naman yung babae eh, makinis, maputi at may long wavy hair. Sigurado akong type to ni Tyler kaya papatulan niya. Tss, edi maglampungan sila dyan pero request ko lang wag sa harapan ko please.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon