Episode 28- Dara's in Pain

Start from the beginning
                                    

''Top hyung.. jebal'' naiiyak na sa takot si Seungri nang marinig nilang na unlocked ang pintuan ni Jiyong.

Pagpasok nang apat ay kitang kita nila ang mga larawan nila ni Dara na nakakalat sa sahig, basag ang flower base na binili nilang dalawa sa Gangnam shop, nakalabas din ang isang pajama set na hula nila ay kay Dara.

''Jiyong ah..'' mahinang tawag ni Top na nakaupo lang sa gilid nang kama at tulala habang hawak hawak ang singsing niya.

''Hyung... ganito rin ba kasakit nang iwan ka ni noona?'' lumuluhang tanung ni Jiyong, nilapitan naman ito ni Top at tinabihan.

''Ani.. mas masakit pa.. para akong mababaliw nang gabing yun.. sa sobrang sakit wala na kong maramdaman'' malungkot na pagtatapat nito.

Naupo naman sa harapan nila ang tatlo at malungkot na pinagmamasdan ang dalawang sawi sa pag ibig.

''Ang mali kasi hinayaan mong magkaroon nang puwang sa puso mo si Kiko'' mahinang sabi ni Young Bae.

''Ala... kasalanan ko ang lahat.. pero mahal ko si Dara.. si Dara lang ang mahal ko..'' umiiyak na sagot ni Jiyong.

''Pero huli na.. nasaktan mo na si Dara noona'' sabat naman ni Daesung na lalong kinaiyak ni Jiyong.

''Mianhe-yo Dara.. hindi ko kaya!!!!'' sigaw ni Jiyong kaya niyakap ito ni Top dahil hindi nila alam kung anu pa ang sasabihin dahil simula't sapol ay hindi sila nagkulang nang paalala sa kaibigan.

2ne1 apartment..

''Asan na kaya si Dara unnie'' nag aalalang tanung ni Chaerin na knina pa palakad lakad, hindi rin sinasagot ni Dara ang telepono nito.

''Hayaan na muna natin siya.. kelangan din niyang mag isa'' sagot ni Bom habang naalala niya ang mukha ni Top knina.

''Matulog na kayo, ako na lang ang mag aantay kay Dara.. may show pa kayo bukas'' paalala ni Jjangmae.

Dara and Chanyeol..

Tumahan na sa pag iyak si Dara at pareho silang tahimik at nakatanaw sa city lights nang tumayo si Chanyeol at sumandal sa railing paharap kay Dara.

''Come on.. I'll take you home...''

Tumingin naman dito si Dara na akala mong kinagat nang bubuyog ang mata sa pagka mugto.

''Ne.. baka nag aalala na rin sila sakin tska may show pa tayo bukas'' nagulat si Dara nang iabot ni Chanyeol ang kamay nito.

''Come.. I'll go with you''  titig na titig si Chanyeol sa dalaga pero mas nagulat ito nang abutin din ni Dara ang kamay nito.

''Gomawo Chanyeol ah.. pasensya kana din kasi ikaw yung tinawagan ko''

Tipid naman na ngumiti si Chanyeol '' Ani.. okay lang yun basta kelangan mo ako.. andito lang ako palagi at hinding hindi kita iiwan''

Naluha na naman si Dara sa sinabi ni Chanyeol.

''Oh??? bakit na naman  hamster?'' at bahagyang sinilip ni Chanyeol ang mukha nang dalaga dahil mas matangkad ito sakanya.

''Ani.. kasi hindi ka parin nagbabago simula nung nakilala kita'' sagot nito habang naglalakad sila patungong sasakyan ni Ms. Yun

''Oh iba na sasakyan mo?'' tanung nito nang makita ang blue na sasakyan.

''Ah ani.. kay Yun unnie yan hiniram ko lang''sagot nito.

''Hatid na kita.. pasundo ko na lang sasakyan ko kay hyung'' sabi ni Chanyeol na tinutukoy ang manager nito.

''Jinja?'' malungkot na tanung ni Dara , hindi rin alam ni Dara kung bakit gusto niyang kasama si Chanyeol, pakiramdam nito ay may peace of mind siya nang mga oras na yun dahil sa presensya nang binata.

Will love be enough?Where stories live. Discover now