Episode 28- Dara's in Pain

1.7K 15 1
                                    

Dara was sitting on the bench facing the city lights habang walang tigil ang pag agos nang luha nito.  Paulit ulit na naalala nito ang mga nangyare kanina maging ang mga pang hihinala niya noon kay Jiyong nang biglang may tumabi sakanya.

''Uhmm'' abot ni Chanyeol sa panyong kinuha nito sa bulsa.

Flashback...

''Ne Dara?'' nataranta bigla si Chanyeol nang marinig ang pag iyak ni Dara.

''Where are you? pupuntahan kita''

''Nandito ako sa HighLow cliff view'' pagkarinig ni Chanyeol ay agad nitong iniwan ang grupo at nagmaneho papunta sa paborito nitong restaurant dahil malapit lang doon ang HighLow cliff view.

''Gomawo Chanyeol-ah'' umiiyak parin ito.

''Gwenchana-yo?'' nag aalalang tanung ni Chanyeol nang mapansin na naka skirt lang ang dalaga kaya inalis nito ang jacket at pinatong sa legs nang dalaga.

Hindi parin natigil si Dara sa pag iyak nang biglang yakapin siya ni Chanyeol.

''Shhhh... kuemanhae (enough) baka magkasakit ka naman sa ginagawa mo, diba may show pa tayo bukas pano ka mananalo over me kung wala kang boses'' biro nito pero hindi pa rin gumana.

''Jinja.. anu ba talaga ang nangyare?''

Nakasubsob parin si Dara sa balikat ni Chanyeol habang pinilit niyang ikwento ang mga nangyare.

''Pinilit kong kalimutan lahat nang mga panghihinalang meron ako, pero kanina.. kanina.. I saw them... I heard them...'' at humagulhol na naman si Dara.

''Hey.. take it easy...'' pag aalo ni Chanyeol.

''Tinanung siya ni Kiko kung mahal siya ni Jiyong''

''And what Jiyong said?''

''Wala.. hindi daw niya alam''

Nag iba naman ang itsura ni Chanyeol nang marinig niya ito, namura niya sa isip si Jiyong.

''Anung sabi mo?''

''Wala.. hindi ko alam.. ayoko siyang kausapin ni ayoko silang makita'' iyak nito.

''Shhh... tama na Dara, please.. please naman oh kahit ngayon lang isipin mo naman ang sarili mo..''

''Binigay ko lahat... lahat.. wala akong tinira pero bakit.. bakit ganito ang nangyayare sakin.. bakit lagi na lang akong niloloko... bakitttttttt!!!!!'' umalis sa pagkakayakap ni Chanyeol si Dara at tumayo at sumigaw sa kawalan.

''Bakit Jiyong!!!! Bakit mo to ginagawa sakin!!! bakitttt!!!! ansakit sakit!!! mababaliw na ako kakaisip kung bakit!!!! sabi mo mahal mo ko... sabi mo...'' ramdam na ramdam ni Chanyeol ang sakit na nararamdaman ni Dara nang mga oras na yun at wala siyang ibang magawa kundi yakapin ito.

''Dara... tama na.. please... tama na... mabigat din sa kalooban kong makita kang ganito''

''Mahal na mahal ko siya Chanyeol, sobra pero ayoko na'' umiiyak parin nitong sagot sa binata.

Jiyong scene...

''Jiyong ah.. buksan mo ang pintuan.. '' mahinang katok ni Young Bae nang isang oras na ang nakalipas simula nang pumasok si Jiyong sa kwarto nito.

Samantalang umiinom parin si Top ''pabayaan niyo, ginusto niya yan eh''

''Hyung.. tama na..'' awat naman ni Daesung.

''Jiyong hyung... jebal.. buksan mo na'' nag aalalang pakiusap ni Seungri.

''Pag di mo binuksan wawasakin ko tong pintuang to!!!'' sigaw ni Top na kinagulat nang lahat.

Will love be enough?Where stories live. Discover now