“Sige na nga, kukunin ko na ‘to.”

Humirit pa ulit ako ulit noon magbabayad na ako.

“Wala talagang bawas, Kuya? Kahit 50.00 lang.”

“Hahahaha! Wala talaga, Mam.”

“Sabi ko nga eh.”

Pagkabayad ko ay lumabas na ako ng store.

Naglibot-libot muna ako sa cyberzone bago bumaba.

Hindi pa naman siguro tapos sila Mama at baka naglibot pa mga iyon.

Pumasok ako sa isang store kung saan nagtitinda sila ng camera.

May nakita akong digital camera na kulay green.

Ang cute!

Maliit lang tapos kulay green.

Gusto kong bilhin kaso, wala naman akong pera.

Pag-iipunan ko ‘to!

Tae, ang dami ko palang pag-iipunan ngayon taon.

Manonood pa ako ng concert!

Huhuhuhu.

Sana umulan ng pera sa October! Hahaha! As if naman uulan talaga ng pera.

Pagkatapos ko maglibot ay napag-desisyunan ko mag-starbucks.

Ako na fan!

Mahilig talaga ako sa frappucino ng starbucks.

Kahit medyo may kamahalan, carry lang.

Nginitian ko ang guard na nagbabantay sa pintuan ng starbucks.

Woah!

Walang tao.

Ay, hindi.

Mayroon pala.

Isa lang.

Nurse ata iyon base na din sa suot niya na puting uniform.

Friday nga pala ngayon kaya kaunti lang ang tao. 

“Good morning, Mam. Welcome to Starbucks.” Bati sa akin noon isang staff na babae.

Nginitian ko siya.

Nagtingin-tingin muna ako ng mga bread sa gilid.

Wala pa kasi akong kinakain.

Napansin kong may nakadungaw sa cabinet o kung ano man ang tawag doon kung saan naka-display ang mga pagkain.

Isa pang staff ng starbucks.

Lalake.

Matangkad.

Maputi.

Kailangan talaga maging observant? Hahaha!

Nginitian ko siya saka binaling ulit ang tingin sa mga pagkain.

Nang may mapili ako ay pumunta na ako sa counter para umorder.

Nginitian ko ulit iyon babae na staff.

Medyo natagalan ako umorder.

“Ano… Hmmm…”

“Yes, Mam?”

“Isang venti na chocolate chip cream at saka isang slice ng banana loaf.”

“What’s your name, Mam?”

“Ace.”

Inabot ko na ang bayad ko sa staff pagkatapos ay hinintay ang order ko sa gilid.

Nakamasid lang ako sa lalakeng staff habang tinatapos ang order ko.

Ganoon pala ang paggawa ng frappucino.

Minsan ko na din kasi binalak na maging barista ng starbucks.

Hanggang balak lang naman. Hahaha!

Naunang natapos ang frap dahil iniinit pa ang banana loaf slice na inorder ko.

“Nagwowork ka?” tanong ni Kuya barista na ikinagulat ko.

Bakit kaya ako kinakausap nito?

“Self-employed.” Tipid na sagot ko dito.

Kashiii naman. Ay, anu ba yan.

PBB teens lang?

“Talaga? Anong ginagawa mo?”

Ay, kuya naman. Interview?!

“Business.” Matipid ulit na sagot ko at nginitian siya.

Dumating na din ang order ko na banana loaf slice.

Pinatong niya ang frap ko sa tray para hindi ako mahirapan.

Nilagay ko din sa gilid ang wallet ko.

Kulang na lang ay alalayan niya ako sa pagbubuhat ng tray ko dahil ang ayaw ko sa lahat ay ang pagbubuhat ng tray na may laman drinks.

Natatakot kasi ako na baka matapon ‘yon drinks.

Buti naman at nabuhat ko ng maayos at pumwesto ako sa corner.

Pagkababa ko ng tray at ng bag ko ay tinext ko kaagad ang bestfriend ko.

To: BFF <3

Whaaa! Dumaan muna aq ng starbucks. Syet. Ang gwapo nun isng barista dto. Hahahaha.

From: BFF <3

Babae kn :p

Imbis na mainis ay napangiti ako. Kinikilig pa rin ako. Sanay na ako dito na palagi akong inaasar. Boyish kasi ako kumilos at manamit.

To: BFF <3

Knausap p nga aq. Tnanong kung ngwo2rk n aq. Hahaha. Muka kc aqng bata. Ang puti nun guy tpos mtngkad. Mtangos din un ilong. Hahahaha!

Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi pa rin nag-reply ‘yon bestfriend ko. Busy siguro sa work.

Kaya inenjoy ko na lang ang pagkain ng banana loaf. Nagmadali na din ako kasi baka hinihintay na nila ako Mama.

Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako. Binitbit ko na lang ang frap ko.

Hindi ko na napansin si Kuya barista kasi maraming nakapila sa counter.

Nakakalungkot.

Hanggang pag-uwi ay hindi pa rin ako magka-get over sa kanya.

Bakit kasi ang friendly mo, Kuya barista?

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Место, где живут истории. Откройте их для себя