Kuya Barista

1.2K 27 11
                                    

(---ACE’S POV---)

“Ma, Pa, pupunta lang ako sa cyberzone. Bibili ako ng jelly case para sa cellphone ko.” Pagpapaalam ko kanila Mama at Papa.

Sila ang kasama ko ngayon sa mall.

Dapat ay kukuha ako ng SSS ID kaso, sobrang haba ng pila. Kaya, nagpunta na lang kami ng mall nila Mama.

Simple lang naman ang suot ko.

Isang black shirt, jeans, flip flops at maliit na backpack ang gamit ko.

“E di, pumunta ka doon. Magkita na lang tayo sa department store kung saan tayo pumasok kanina. Hintayin mo na lang kami doon.”

“Ok.”

Hindi kasi nila dala ang mga cellphone nila kaya magkita na lang daw kami doon.

Kapag kasi nandito si Papa ay hindi na nagdadala ng cellphone si Mama kaya wala kaming communication kapag nagpupunta ng mall.

Sumakay na ako ng escalator papunta sa fourth floor kung nasaan ang cyberzone.

Pagkapasok ko sa store kung saan ako bibili ng jelly case, isa lang ang staff na nakita ko.

Siya din ‘yon nag-assist sa akin dati noon bumili ako ng screen protector sa kanila.

“Kuya! Jelly case nga!” parang bumibili lang sa tindahan ang peg ko. Hahahaha!

“Para sa anong unit ba?” tanong nito.

Ipinakita ko ang cellphone ko at maya-maya lang ay may kinuha siyang jelly case.

Sinundan ko siya.

“Wala na bang ibang kulay, Kuya?” transparent kasi ang binigay niya sa akin na jelly case. Gusto ko pa naman kulay green.

“Wala na eh. Subukan natin ito sa unit mo.”

At iyon nga, nilagay niya ang jelly case.

Ang ganda. Tama lang ang fit sa cellphone ko.

Kaso, gusto ko talaga ng kulay green.

“Kuya, wala na bang bawas ‘to? Ang mahal eh.” Divisoria lang? Nakipagtawaran talaga sa isang store sa loob ng mall.

“Wala. Alam mo naman ang patakaran. Kami ang mag-aabono kapag kulang ang binayad ng customer.” Pagpapaliwanag nito sa akin.

Oo nga. Ganoon ang patakaran kahit saan ka magpunta.

Kahit sa isang simpleng tindahan lang, kapag nagkulang, panigurado ang cashier ang mag-aabono.

Bawas kaagad sa sweldo mo.

“May libre naman screen protector ‘yan.”

“E, may screen protector na ako, Kuya.”

“E di, kapag nasira na ‘yon, palitan mo niyan.”

“E, Kuya. Ayos pa naman ‘yon binili ko dito. Maganda nga eh.”

“Kunin niyo na ‘yan, Mam.”

“Kuya, baka manilaw kaagad ‘to ha! Ibabalik ko ‘to kapag nanilaw kaagad.” Pabirong sambit ko kay Kuya.

“Alam mo ba, Mam. Kaya naninilaw ‘yon dahil sa init. Kaya kapag nag-chacharge ka, dapat tanggalin mo iyon jelly case.”

“Ganon?” Grabe ha. Ang effort naman. Tatanggalin at ibabalik ko ‘yon jelly case tuwing magchacharge ako.

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now