"hayy... tingnan mo nga naman hija may ibang mundo na ang pinsan mong si Nicole. nakakatuwa dahil nakikita ko na mahal na mahal ng ni xander ang pinsan mo. tingnan mo alagang alaga sa pagmamahal." basag na basag ang kanyang puso dahil sa sinabi ng kanyang tiya sa kanya.

"naalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya. hahaha. alam mo ba hija bibigyan nanila kami ng apo kaya lubos kaming natutuwa ng Tito mo." sobrang sakit.parang isang malakas na sampal ang ang narinig niya sa kanyang tiyahin. gusto niyang maiyak pero Hindi niya magawa. nagulat siya ng mag salita si xander.

"pa,ma. kailangan na po naming magpahinga ng asawa ko buntis po siya Hindi po siya pwedeng mapagod."mahinahong sabi ni xander sa dalawang matanda. Hindi nanapigilan ni Dara na mapaluha dahil sa sakit. "dapat ako yun! Dapat ako yung sinasabihan niya na asawa Niya Hindi ang pinsan ko! damn ang sakit!" bulong niya sa kanyang utak.Hindi halatang may umaagos ang kanyang luha dahil medyo madilim ang lugar nila.

"ohh sigeh hijo. siguraduhin mo lang na pagpapahingahin moyang anak ko ha. kung may gagawin pa kayo wag mo siyang masyadong pagurin ha."malokong sabi ng ama ni nicole habang humahalakhak sa kanyang sinabing kalokohan. napamulahan naman ni si Nicole habang si xander naman napangisi na lang.

"papa!"sigaw ni Nicole sa ama. nalalo pa itong humalakhak. magging ang kanyang Ina ay nakisabay sa pag tawa nito lahat ng nasa lamesa nila ay masayang nakikitawa pwera na lang si Dara na halos Hindi na makahinga dahil sa naririnig at nakikita niya.

"oh sigeh na pumayo na kayo at magpahinga! alam rin naman namin kung gaano kayo kasabik sa isat-isa eh. hahhaha!"biro ulit ng kanyang ama. Hindi na napigilan mapatawa ni xander dahil sa kapilyuhan ng ama ni Nicole Hindi niya akalaing makwela ito at mabait dahil kung titingnan mo ang matanda ay wala sa itsura niya ang pagbibiro.

pinalupot na lang ni xander ang kanyang braso sa bewang ni Nicole at hinigpit niya pa ito papalapit sa kanya. napasinghap si Dara sa nakita niya tumango si xander sa dalawang matanda at umalis na siya kasama ang asawa. walang binigay na kahit isang sulyap man lang Kay Dara si xander dahil abala siya sa kanyang asawa. Hindi niya na nga ininda ang prisensiya ng taong Una niya minahal Dahil sa pagkahumaling sa asawa Niya.

nakarating ang mag-asawa sa kwarto nila agad umupo si xander sa Kama Dahil sa sobrang pagod habang si Nicole naman ay nakatayo sa harapan Niya.

inisip niya ang nangyaring tagpo kanina. Hindi siya makapaniwalang muli nanaman niyang nakita ang babaeng sumira sa kanyang puso.

inaamin Niyang galit siya dito at masama ang loob niya Dahil sa pag-iwan nito sa kanya ng wala manlang sinasabing dahilan. pero Hindi porket galit siya ay mahal niya pa ito.

wala na siyang maramdamang na kakaiba sa katawan niya Simula nung nagkita sila muli. wala na yung dating spark sa kanyang mga mata pag nakikita niya ito. wala na yung koryenteng dumadaloy sa katawan kapag nahahawakan at nahahalikan niya ito. wala yung malaking hallow sa kanyang tiyan kapag kinaka-usap niya ito. at higit sa lahat wala yung mabilis na tibok ng puso kapag nalalapit siya dito. parang lahat ng yuon ay naglahong parang bula kasabay sa pag-iwan sa kanya nito.

bumalik sa wisyo si xander ng umopo sa hita niya ang kanyang asawa at pinalupot nito ang mga braso sa kanya. napangisi siya sa ginawa nito. lahat ng nawala kay Dara ay napunta lahat sa asawa niya. at pakiramdam niya ay lalo pang lumalim ang nararamdaman niya sa kanyang asawa. ibang-iba ang epekto ng kanyang asawa sa sistema niya. makita palang niya ito ay halos lumabas na ang kanyang puso sa sobrang bilis ng pintig nito. maramdaman palang niya ang haplos ng palad nito sa kanya ay nawawala na agad siya sa wisyo at mahalkan lang siya nito ay grabeng init na ang dumadaloy sa kanyang katawan. ngayon lang naramdaman ni xander ang ganitong pagkahumaling sa babae at masaya siyang malaman na ang babaeng iyon ay asawa niya.

My Fanmate my Lover (UMFP)Where stories live. Discover now