Chapter 7

2 0 0
                                    

The First Decision

"Happiness often sneaks in a door you did not think was open."

----------

"Thank you sa paghatid Franco! Pati na din sa pagkaen!" Sabi ko kay Franco pagkalabas ko ng sasakyan niya.

"Of course. Anytime Daniella. Pero wag mo kalimutan ha! I-text mo ko as soon as you figure out kung gusto mong maging model namin, or just whenever kelangan mo ng kausap." Ngumiti siya ng as in sobrang laking ngiti.

Sino ba naman ang makakatanggi sa ngiting ganun?

"Opo, opo. Ingat sa pag-uwi!" Sinara ko na yung pintuan ng sasakyan niya at pumasok sa loob ng bahay.

"Ma?" Sigaw ko.

"Maxine! Jusko, okay ka lang ba? Hindi kita nakausap kagabi!" Alalang alala si Mama. Sabi ko na eh. Buti na lang hindi siya galit.

"Oo naman, Ma! Sobrang saya nung party kaso ginabi na talaga kami. Sorry po ha! Hindi ko sinasadyang hindi magpaalam ng mas maaga."

"Okay lang! Nakausap ko naman si Sam! Sabihin mo kain siya dito sa sabado para naman makilala ko na siya."

"Osige sabihin ko po sa kanya!"

"Kamusta first day mo? At bat nandito ka? Wala bang pasok ngayon?"

"Ginabi kasi yung party kaya wala daw pasok."

"Aba tama lang. Kumaen ka na ba? Kain ka habang kwentuhan mo ko."

"Kumain ako ng almusal pero hindi pa lunch, so kain tayo Ma!" Ang takaw ko talaga minsan. By minsan, I mean all the time! Haha.

Pumunta kami ni Mama sa kusina at sabay naghain ng pagkain.

"Okay naman yung first day ko! Na-meet ko si Sam pati na din yung 'heartthrobs' ng school."

"Oh talaga? I-invite mo na din sila sa sabado kasama ni Sam." Aya ni Mama.

"Ha?! Wag na ma.."

"Oo na! Para naman ma-meet ko yung mga bago mong kaibigan."

"Okay.."

"Oh ano pa? Kamusta yung party?" Tanong niya.

"Ay ang saya! Pinilit ako ni Sam mag-shopping. Ayoko na nga sumama kasi wala naman akong pera, pero pinilit niya talaga ako. Nilibre nga ako eh, kahiya."

"Yan ba yung binili mo sa mall?" Tinuro ni Mama yung suot ko.

"Hindi po. Ibang damit ko. Nasa bag yung binili ko. Sinuot ko kagabi sa party."

"Mukha namang maayos sila Sam."

"Ay opo. Ang bait bait niya sakin, as in. Pati na din yung mga heartthrob -- sila Prince, Chance, at Franco. Mag pinsan si Prince at Sam tas best friends yung mga lalake."

"Oh maganda naman pala eh."

"Opo. And speaking of Franco.."

"Oh? Ano? Kayo na?" Tumawa si Mama.

"Patawa ka Ma. Hindi no! Sila yung may ari ng clothing line na suot ko. Inalok niyang mag-model ako para sa kanila." Sabi ko.

"Oh talaga?! Ano sabi mo?"

"Sabi ko pag-iisipan ko muna. Wala naman kasi akong experience sa pagmo-model."

"So? Ikaw ang magiging pinaka magandang model nila!"

"Hay nako Ma. Sinasabi mo lang yan kasi nanay kita!"

"Hindi ah. I'm sure kaya ka tinanong kasi nagandahan din sayo yung si Franco!" Sabay ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My FirstsWhere stories live. Discover now