Chapter 2

2 1 0
                                    

The First Look

"When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting."

----------

Hindi ko napansin na may babae palang nakatayo sa harap ko.

"Hi Dani! Or prefer mo Daniella? I'm Samantha or Sam!"

"Get lost Samantha Anne, nag-uusap pa kami." Sabi ni Prince.

"No no, tapos na kami mag-usap! Dani is fine. Nice to meet you Sam!" Buti na lang at may titigil sa usap namin ni Prince!

Kinuha niya yung upuan sa harap ko at hinarap niya sakin.

"Wag mo pansinin yang si Prince. Kulang sa pansin yan kaya ganyan."

"I can still hear you Sam.." Sabi ni Prince.

"Kulang pa sa pansin yan? Eh kulang na lang malunod ako sa dami ng taong lumapit dito kanina para kausapin siya."

"Haha! I know right! Ewan ko ba kung anong nagustuhan ng mga babae sa kanya. Panget panget naman!"

"Sam, isa pa at isusumbong kita kay Chance." Sabi ni Prince habang nirereject niya yung mga babaeng lumalapit sa kanya.

"Shut up." Sagot ni Sam kay Prince.

"Close kayo?" Sumabat ako. Ang bilis kong ma-OP dito! Grabe.

"Ay sorry! Pinsan ko yang panget na yan. Samantha Anne Guttierez ang full name ko. Magkapatid ang mommy ko at daddy niya."

"Ah kaya.. Sino si Chance?"

"Best friend niya. Ayun oh." Sabay turo niya dun sa grupo ng babae malapit sa may pinto.

Tinignan ko nang mabuti kasi naguluhan ako. Puro babae tas nandun si Chance?

Well sure enough.. Siya pala yung center ng atensyon. Kaya pala ang daming babae parang kanina lang dito kay Prince. Hindi ko siya makita nang maayos pero mukha namang may itsura.

Actually may itsura din tong si Prince. Ang yabang lang kaya nabalance out. Haha.

"Wow. Claiming campus heartthrob din ba yan?" Natanong ko.

"Claiming? Haha! I wish! Itong panget na si Prince at si Chance ang campus heartthrobs, pati na din si Franco."

"Franco? Kaklase din ba natin yun?"

"I don't know.. Akala ko kaklase--.. Kaklase ba natin si Franco, Prince?"

"That's what he told me. Ewan ko bat wala siya ngayon." Sagot ni Prince habang nakatitig sa cellphone niya.

"Hmm.. Oh well. This isn't the first time na hindi pumasok si Franco on the first day, or hindi pumasok in general." Sabi ni Sam.

"Lagi bang absent?" Natanong ko.

"Hindi naman lagi, pero madalas. Pag hindi niya feel pumasok, hindi siya papasok. At dahil natural ang pagka-genius non, okay lang sa academy na hindi siya pumasok basta nandito siya pag test days."

Genius? Aba! Now I really want to meet him. Balak kong maging top ng lahat ng 3rd years and valedictorian sa graduation, so I'll need to know my rivals.

"Oh talaga?"

"Yep. Pero Dani! Does this mean ako ang pinaka-una mong friend dito sa Hart Academy?!" Excited na tanong ni Sam.

"Please. It was me." Sabat ni Prince.

"Shut up. Hindi ka kasali."

"Ako nga Dani?" Tanong uli sakin ni Sam.

My FirstsWhere stories live. Discover now