Nagsimula na yung misa at nakatayo kami. Katabi ko si Chino at katabi naman niya si Julian. Sa unahan namin ay nakaupo sina mama at ang pamilya ni Julian.

Habang nagsasalita si Father ay kinulbit ako ni Julian at tumingin naman ako sa kanya at nagtanong kung bakit.

"Si Pia," bulong niya.

Sabay naman kaming napalingon ni Chino at naramdaman kong siniko ako ni Chino. Muntik na akong tumiklop.

Naka-plaster sa mukha nina Chino at Julian ang mapang-asar na ngiti.

Nang makita ko si Pia na nakaupo sa kabilang bahagi ng simbahan ay pumaling na ako kaagad sa unahan. Mahina akong tinutukso nina Julian at Chino pero 'di ko na lang pinansin. Makikinig na lang ako sa misa kaysa makipag-asaran sa dalawang 'to. Mas may sense 'di hamak si Father kaysa sa dalawang ulol na ito.

Nang hindi ko pansinin yung dalawa ay tumigil na rin naman sa pang-aasar.

Habang nagho-homily si Father ay palihim akong sumulyap kay Sophia. Nakapalda siyang lagpas tuhod at may shoulder bag siya, nakasintas ang mahaba niyang buhok, at nakasuot siya ng sneakers na puti. Ganoon na siyang magbihis maski noon pa mang high school kami. Agad akong tumingin din kay Father dahil baka makahalata pa itong dalawa kong katabi na nakatingin ako kay Sophia.

Nang sabihin ni Father na magbigayan daw kami ng kapayapaan ay hindi ako lumingon man lang sa likuran. Yung mga nasa harapan at nasa gilid ko lang ang binati ko. Makita pa ni Sophia kaguwapuhan ko, eh 'di nagkandarapa na naman sa akin 'yon. Nakakaawa na rin naman dahil habol nang habol sa akin.

Nang matapos ang misa ay lumabas kami kaagad nina Chino.

"Tara na't umuwi," yaya ni Frappe kina mama. May pinapanood kasi 'to kapag Linggo, eh.

Tumango naman ako at ganoon din si Latte.

"'Di mo lalapitan si Pia?" tanong ni Chino. Nagsimula naman yung dalawa na tuksuhin ako.

"Bakit ko naman lalapitan 'yon?" sSabi ko lang.

"'Di mo kukumustahin? Tanong mo kung kumusta ang France," sabi ni Julian.

"Bakit 'di ikaw magtanong?" sabi ko sa kanya.

"Inang, ang init ng ulo mo ngayon, brad," sabi lang ni Julian at 'di ko lang siya pinansin. Kapag pinatulan ko ang isang ito ay hahaba lang ang usapan, wala rin namang mangyayari.

"Buti na lang talaga 'di ka pinadadampot ni Congressman. Balitang-balita kayo ni Pia rito sa bayan, daming nakakakita sa inyo,." singit ni Latte.

Tinaasan ko lang ng kilay si Latte. Imbento ang kung sino mang nakakakita sa amin ni Sophia. Anong magkasama? Papaanong magkakasama, eh, sa ibang bansa mag-aaral si Sophia at ako naman ay sa ibang siyudad. Tangina mga tao, eh, may maibalita lang.

Nag-iisang anak ni Congressman si Sophia. Dating Mayor ng bayan tapos tumakbong Governor. Malakas kaya tumakbo na ring Congressman, ayun, lusot pa rin. Baka nga kung tatakbo pa sa mas mataas na katungkulan si Congressman, eh, lumusot. Ganda ng image niya saka talagang napaganda at napaunlad niya itong bayan at ang iba pang kalapit na bayan.

"'Pag nalaman ni Congressman mga kalokohan nitong si Esso, tiyak na ipapakain 'yan sa pating," sabi ni Julian at nagtawanan silang tatlo. Parang mga ungas.

"Anong kalokohan ang sinasabi niyo r'yan, eh, wala naman akong kalokohan?" hamon ko sa kanila.

"Ulol, huwag ka nang magkaila. Alam na alam na namin kayo ni Pia, may mga pagtatagpo pa kayo nang palihim," sabi naman ni Chino. "Lagi mo ring kausap si Sophia kapag gabi kaya wala ka nang tago."

Black WaterWhere stories live. Discover now