Poem 50: Barkada

278 6 2
                                    

Apat na magkakaibigan
nagkakilala noong unang araw ng pasukan
Ugali nila'y magkakaiba kung kaya't
ang lahat ay nangangapa pa
Taon ang dumaan samahan nila
ay naging matibay pa sa narra
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon grupo nila ay nawasak

Ang isa ay nag-asawa na
Ang isa ay nag-aaral pa
Ang isa ay napadpad sa ibang planeta
At ang isa ay lumayas ng bansa

Isang araw ay muli silang nagkatagpo
pananabik sa isa't-isa ay naglaho
Luha nila'y patuloy na tumulo
habang ang halakhak nila sa
kabuohan ng lugar ay humalay
Tila kahapon lang ang huling pagkikita nagawa pa nilang asarin ang bawat isa

Dumaan man ang madaming taon
Kumupas man ang litrato nila ng
kahapon
Magbago man ang anyo nila sa pagdaan ng panahon
Pagkalinga nila sa isa't-isa ay hindi mawawala, hindi maglalaho
at hindi mauuwi sa wala.

Barkadang nabuo sa isang grupo
Barkadang puro kabalbalan
Barkadang kalokohan ang alam
Barkadang binubuo ng apat na tao

Ikaw, silang dalawa at ako
Barkadang naluma na ng panahon
Ngunit mga mukha natin
ay nakatigil sa iisang taon
Noong sekondarya tayo,
Noong Highschool palang tayo
Mukha natin ay walang pagbabago

Ginawang pasyalan ang bahay nila
Tagpuan ay palaging sa may bukana
Paglamon ang hilig nating apat
subalit katawan natin lahat ay payat
Magulang ko ay inyo rin
mga gamit niyo ay pag-aari ko rin
Kailan kaya tayo muling magkikita-kita, kayo ay nami-miss ko na

Miss ko na kayo G, L, at J. Hahaha. Imposible niyo 'tong mabasa, pero yaan niyo na, bully kayo eh, bully!

-Ninay.

3:43pm
3/6/2018

Her Poetic ThoughtsWhere stories live. Discover now