Poem 18: Bagong kabanata

417 4 0
                                    

Sumayaw tayo sa ilalim ng makulimlim na kalangitan

Damhin natin ang hanging malamig sa buo nating katawan

Pakinggan ang tibok ng ating puso
na ang isinisigaw ay ang kanyang pangalan

Ngumiti tayo sa mumunting liwanag na
sumisilip sa makapal at maitim na ulap

Pakinggan ang ingay sa buong paligid
na para bang araw-araw ay atin nang
nakasanayan.

Magpasalamat tayo sa panibagong umaga, panibagong araw at panibagong kabanata ng ating buhay.

Her Poetic ThoughtsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant