Poem 3: Miss Na Kita, Sobra

1.8K 26 11
                                    

Mawawala rin ang sakit,
maghihilom rin ang sugat
Maglalaho ang peklat
At muling magbabalik ang galak
Pero asahan mong
hindi ka mawawala
sa aking isip at utak

Nakaraan nating dalawa
ay naka-ukit sa aking alaala,
Alaalang kahit aking malimutan, ay patuloy ko pa ring babalikan,
dahil ang nalimutan ng utak
ay kailanman hindi makakalimutan
ng puso.

Papel ang naging daan
upang landas nati'y magsanga,
Pareho tayong manunulat
at maging sa hilig ay magkatulad,
Iyon nga lang ikaw ay naunang
namahinga
at iniwan mo akong nag-iisa.

Okay ka lang ba diyan?
Ayos ka lang ba riyan?
Gusto kong malaman ang iyong kasagutan
Subalit kahit sa panaginip
ikaw ay hindi nagpaparamdam

Isang gabi ay hindi ko inaasahan, nang
aking maramdaman
ang iyong yakap na kay-inam
Hindi mo ako pinatulog
animo ako'y iyong tinatakot,
Miss na kita, sobra
Miss ko nang mabasa ang
iyong mga
mensahing sadyang
mapapatawa ako bongga.

Her Poetic ThoughtsWhere stories live. Discover now