Chapter 3

245 11 2
                                        

Janeo's POV

Akala ata nitong babaeng to di ko siya dadalhin sa presinto e. Dapat di lang dala, dapat kulong na kaso mabait pa ako kaya dinala ko lang.

"Parang awa mo na kuya! gagawin ko talaga ang lahat huwag mo lang ako ipakulong! Please? Please? Kuyaaaaaaa"

"Pwede ba? Manahimik kana! Rinding rindi na ako" Sabay tingin ng masama sakanya

"Tsaka, paano ako makakasigurado? Eh kanina nga balak mo na tumakas. Ngayon pa kaya" Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Parang di siya babae kung pumorma. Tsss, di kagaya ni Rox babaeng babae. Pero maganda din naman siya. Panget lang talaga pumorma kala mo lalake eh.

"Kahit ibigay ko pa sayo address namin sa bahay..." napatingin ako sakanya

"Ayo-" pinutol niya agad sasabihin ko.

"O kaya kahit number ko? Wag mo lang ako ipakulong" nagpapatawa ba ito? Kasi kung oo? Nakakatawa pinagsasasabi niya. Aanhin ko naman number niya?

"Aanhin ko naman number mo?" Naiirita na ako. Hinatak ko na lang siya palabas ng presinto.

"Sir, hindi niyo na po siya papakulong?" Habol samin nung pulis

"hindi na Chief. kaya nga hatak hatak ko na po siya diba? Pati sino po ba nagsabing ipapakulong ko?" Tanong ko sa Police na paharang harang sa daanan ko.

"Akala ko kasi ipapakulong mo sir. Nagmamakaawa kasi mukhang may ginawang kasalanan. Pero sige sir." Sabay balik niya dun sa pwesto niya. Buti naman kasi ang ingay ingay na ng babaeng to. Naasar na ako

"aray ko naman nasasaktan ako kuya!" Lakas magreklamo siya naman may kasalanan

"Masakit? Edi sana di mo binasag kotse ko." Sabay bitaw sa harap nung driver namin. Tumawag na lang ako sa bahay para magpasundo kanina.

"Sa lahat ba naman kasi ng mababasag mo bakit kotse ko pa? Naabala pa tuloy ako" sabay pasok sa kotse. At ayaw pa ata pumasok nung babaeng to.

"Ano pang iniintay mo diyan?" Sayang na sayang na oras ko. Nakakainis

"S-san mo ko dadalhin?" Ano nasa isip nito? Ano akala niya sakin? Rapist? Di ko siya type.

Tinignan ko lang siya ng masama

"sumakay kana"

Wala na din naman siya magagawa. Tss, sasakay din naman pala.


Dinala ko muna siya sa Resto. Nagugutom na ako. Ang tagal namin dun sa presinto. Sobrang abala na. Pinakain ko din siya, tsss. Ang bait ko pa sa lagay na to ako na nabasagan ako pa sagot sa pagkain. Napatingin ako sa wrist watch ko. Shit, 2pm na 1 hour na lang start na ng class ko.

"Bilisan mo kumain diyan magsstart na klase ko, abala ka na masyado" sabay tingin sakanya.

ang takaw naman ng babaeng to. Kadiri, walang manners tapos yung suot? Pang lalake na pang lalake. Wala sigurong boyfriend to? Hindi ideal e. Sabay iling.

Eeyah's POV

Kanina pa ako tinititigan netong lalaking to mula ulo hanggang paa ano ba meron? tinignan ko ung suot ko. wala simpleng shirt na maluwang, pants tapos rubber shoes.

ayaw ko kasi ung dress pati heels ang hirap gumalaw pati maglakad kahit naman sexy ako hindi ako pakitang tao katulad nung mga babaeng nasa school na kulang na lang lumuwa na lahat. Kaya nga inaasar ako ng mga kaibigan ko na mukha daw akong tomboy eh. Hindi naman duh?

"ano ba tinitingin-tingin mo? May mali ba sa suot ko? Panget ba ako? Hindi naman diba? I know" sabay ngiti ko. Ang lakas ko dun ha. Parang ako mismo tatangayin.

"wala kang manners sa pagkain pati  tignan mo suot mo babae ka ba talaga?" Kung tignan naman ako nito parang diring diri. Wow ha? Dito ako kumportable e

"Babae ako! Hindi lang ako masyadong revealing. Sexy kaya ako pero ayaw ko ng mga babae sa school? naka dress at palda? Duh? ang hirap kaya gumalaw nun!" Sabay irap ko sakanya

"Saang school ka ba nag-aaral?" Masyadong natanong ha. Kung wala lang akong atraso umalis na ako dito pati masarap yung pagkain mga mukhang mamahalin susulitin ko na.

"sa Pahardo University" sabay subo bat kaya ganto kasarap pagkain ng mayaman? Pero ang onti ng serving nakakabitin.

"Dun ka? Haha, kung sinuswerte nga naman" hala? Ano naman meron?

"Bakit ano meron?" Taka kong tanon~ at tingin sakanya. Nakatitig pa pala siya sakin. Nakakahiya tuloy para akong trabahador kumain.

"Kami may ari nun" nabulunan ako sa sinabi niya

"T-tubig... Tubig" hingi ko ng tulong. Inabutan naman niya ako

"Easy, ginugulat ba kita masyado? Haha" halaaaa, baka anong gawin niya sakin. Baka ipatanggal niya ako. Naku po wag naman huhu.

"I-ibig m-mo bang sabihin ikaw si Janeo Pahardo? Yung ka isa-isang anak ni Jeremy Pahardo?!" Pasigaw kong tanong. Di na kinekeri ng brain cells ko. Nastress na ako. Shocks? Paano na ito? Ang tanga tanga mo Eeyah. Sobrang tanga!

"Hahaha ang galing mong magjoke kuya ha!" Biro kong tawa na alam kong mukha akong natatae. Paano kung seryoso siya? Hala! Patay na talaga ako kay kuya.

"Kuya, wag ka magjoke ng ganyan ha? As if naman na ikaw yun diba? Hehe" sabay kamot sa batok.

"Tss. Bat pa ako mag eexplain sayo?  hindi na kailangan. Ang kailangan mo bayaran ako" wala nga akong pambayad eh.

"Bawal ba hulugan muna kuya? Kasi kuya maghahanap pa ako bagong trabaho. Please naman po" alam kong abuso na ako pero susulitin ko na. Mukha naman siyang mabait.

"Wow miss, hulugan? Ano ako paluwagan? Ako na nasiraan ako pa maghihintay? Sobra na ata yun. " tanga tanga mo kasi Eeyah. Paano ka na niyan ngayon?

"Please kuya? Magbabayad naman ako. Promise ko yan sayo. Please?" Lumuhod na ako sa harap niya. Wala talaga akong pambayad. Alangan naman di ko pa ibaba pride ko.

"Sige, be my fake girlfriend. Ano kaya mo ba?" Ano daw? Fake girlfriend? Luh baliw ba to?

"Baliw ka ba kuya?" tumingin ako nang mabuti sakanya. Mukha naman matino? Pero bakit may sapak sa ulo?

"Bakit? Kaya mo bang bayaran ang kotse ko? Ngayong araw na ding ito?"

"H-hhindi. Pero! Ah.. ano.. tsk! Kasi... wala bang ibang choices yun agad?"

"Choices? Ano tingin mo dito? Exam?" Natatawa pa niyang sabi. Luh? Mukha ba akong nagbibiro?

"Hindi pero ano, ahmmm kasi... haynako! Oo na nga! Sa isang condition. Gawa tayo ng contract para dito" alanganin kong sabi. Demanding ko pa kasi.

Tinignan niya lang ako. Sana pumayag... sana pumayag...

"Ok fine. Tara sa condo ko" Yes! Yes! Pero condo? Anong gagawin sa condo? Tinakpan ko yung dibdib ko at tinutukan ko siya nang tinidor.

"s-syete k-ka! B-bakit? Sa condo mo? Hoy! Kung yan lang din ang papagaw-- ARAY AH!" Hinagisan niya ako ng kung ano. Masakit ha? Masakit.


"Wag ka nga mag isip ng ganyan. Dun ko gagawin ang contract dahil nandun ang laptop ko! Wag kang feeling. HIndi ko type ang ganyang..." tinignan niya ulit aoo mula ulo hanggang paa

"Patpating katawan!" Ano? Patpatin? Sino? Gago ba to? O bulag lang? Sa sexy kong to!

"Anong patpatin?! Hoy! Sexy ako! Gusto mo makita? Tara!"

It Started with a CRASHWhere stories live. Discover now