Eeyah's POV
Bwiset na manyak yon. Nakakairita. Dahil sakanya nawalan pa ako ng trabaho. Pano na to? Taeng buhay to. Ako na nabastos ako pa nawalan ng trabaho.
"Bwisit!!' sabay sipa ng batong nasa harap ko. Haynako nakakagigil talaga!
*CRASHHHHHHH!!!* tunog ng nabasag na... salamin? Hala ka nasan na yung bato na sinipa ko?
paglingon ko sa gilid basag ung front glass nung kotse!
Hala! Yung salamin ng kotse! paano na yan? Halatang mamahalin pa man din kasi kumikintab at talagang walang gasgas. Paano na to? Wala pa nga akong trabaho tapos dadagdag pa yang kotseng na ito? Ano nalang ang kahihinatnan ko?! Naman eh! Bwiset na manyak kasi kung hindi dahil sakanya di mangyayare to!
Lumapit ako dun sa may kotse tapos tinitignan ko kung maayos pa kahit alam ko namang hindi na talaga. Wala naman masamang umasa diba? Huhuhu. Baka makita ako nung may ari. Baka ipakulong ako. Ayaw ko makulong.
"Hoy miss! Anong gina--- what the anong ginawa mo sa kotse ko?" Halatang galit na galit yung may ari. Gwapo pa man din. Tae, Eeyah makukulong ka na at lahat malandi ka pa din. Huhu
------
Janeo's POV
*kringgggggg*
"hmmmmm" bwisit na alarm clock ang sarap na ng tulog ko eh!
habang kinakapa ko ung alarm clock
*BLAAGG* alam ko na kung sino yan. Ready in
3..2..
"HOI NEO GUMISING KANA LATE KA NA SA SHOOTING MO!"
"Manang. Saglit lang pwede?"
"Anong saglit saglit. Anong oras na Neo!" habang hila hila ung paa ko. Anong oras na ako nakatulog kagabi tapos gigisingin niya pa ako.
"Eto na tumatayo na. Ok na? Ngayon pwede ka ng umalis. Teka matanong kulang nanay ba kita para sigawan mo ko?" Pagsusungit ko sakanya. Sanay na din naman siya.
"Hindi pero kanina pa tumatawag manager mo sakin. Umayos ka na nga Neo kung di lang mabait ang Daddy at Mommy mo umalis na ako dito dahil sawa na ako sa ugali mo"
"Daming satsat"
Tumayo na ako at pumuntang C.R. Nangigising na nga lang nag ddrama pa
I'm Janeo Pahardo. Neo tawag nila sakin. Gwapo, macho, matalino pero tamad, Oo, aminado ako. Wala eh, nakakatamad na.
May sarili kaming school mahilig ako sa sportscar pero may isa akong pinakapaborito. Spoiled ako sa parents ko. Well... Unico ijo, di na nila ako sinundan eh. Kasalanan na nila yun. Tss.
Bumaba na ako sa Dinning area. Kumakain sila Mom at Dad.
"Morning" sabay lapit kay mom para kumiss.
"Good Morning anak. Why are you late nanaman? Nagagalit na si Rwin kakalate mo. Gusto mo pa ba yang trabaho mo?"
"Yes Mom, nandun si Roxanne, ayaw ko naman siya maiwan sa ibang male models dun."
Napatingin siya sakin ng taimtim at umiling iling na lang. Alam niya naman na ayaw ko itigil ang modeling dahil kay Rox. Kahit gusto niya na ako patigilin wala siya magagawa.
-
Nandito na ako sa studio. At sa labas pa lang ang dami ng tumitingin sakin. Natural pogi *smirk
"Oh! NANDIYAN NA SI JANEO MAGHANDA NA KAYO" kahit kailan ang ingay ni manager
"Neo? Ano ba naman yan, lagi ka na lang ba hihintayin? Kanina pa sila nandito."
"Nalate ng gising Rwin. Mas ok ng late kesa wala diba? Si Rox?"
"Nasa Room niyo inaayusan pa. Punta ka na din dun para maayusan kana"
Pumunta na lang ako sa room na para saamin lang ni Rox.
"Good Morning" habang lumalapit ako sakanya
"Good morning Neo, late ka nanaman" umirap siya at natawa na lang ako
"Di ka pa ba sanay?" Umupo ako sa tapat ng salamin at inistart na akong ayusan. Habang inaayusan ako parang may nakatitig sakin tumingin ako sa salamin at ayun Si Rox nakatitig sakin. Kinindatan ko siya na naging fahilan ng pag irap niya.
Si Roxanne ang Childhood bestfriend ko ma matagal ko ng gusto. Pero siya iba ang gusto niya. Ok lang mas gwapo naman ako sa gusto niya haha. Lagi kaming pinapagpartner kasi sabi nila bagay kami oo para sakin bagay kami kasi gusto ko siya. Pero siya di niya maiiisip yun. Bestfriend nga lang diba?
Tss. Drama, tapos na ako ayusan. Ayaw ko ng madaming nilalagay. Baka masira ang balat ko. Maarte ako kalalaki kong tao? Syempre alangan naman maging dugyutin ako sa gwapo kong to?
"Neo at Rox kayo na. Labas na kayo" si Rwin ang manager namin ni Rox.
Saglit lang ang naging shoot. Professional na kami ni Rox simula bata kasi kinuha na kaming model. Kaya ayaw ko din bitawan kasi eto na kinalakihan naming dalawa.
"Pack up na! Pack up! Neo and Rox! Congrats! 5he best talaga kayong dalawa" sigaw naman ni Rwin
Bumalik na lang ako sa kwarto at nag ayos. Nagpalit na ako ng kumportableng damit. Tsaka lumapit kay Roxanne
"Rox I have to go. See you" paalam ko kay Roxanne
"See you! Ingat Neo" Nginitian niya ako at ganun din ako sakanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na ako. Naglalakad ako papuntang parking lot ng may nakita akong babae na nasa harap ng kotse ko.
"Hoy miss! Anong gina--- what the anong ginawa mo sa kotse ko!?" Tinignan ko ng masama yung babae. Lahat na sirain niya wag lang ang paborito kong kotse. akmang tatakbo na yung babae nang bigla ko hinila yung braso niya!
"Miss! Bat ka aalis? bayaran mo to! ano tatakbuhan mo ko? Gusto mo ba ipapolicr kita? bayaran mo to ngayon na! "
"Kuya! sorry po di ko naman po sinasadiyang basagin yan! Parang awa niyo na sir! kakatanggal ko lang sa trabaho. Maawa po kayo sakin" lumuhod pa sa harap ko. Kala naman natutuwa ako sakanya.
"ANONG PAKI KO SA TRABAHO MO?! GUSTO KO BAYARAN MO TO! KUNG HINDI MO BABAYARAN TATAWAG AKO NG PULIS!" akmang kukunin ko na ung cellphone ko ng bigla niyang hawakan kamay ko
"Kuya parang awa niyo na gagawin ko lahat ng gusto niyo. Wag niyo lang ako pakulong! Wala po kasi talaga akong pera. Kakapaalis lang sa akin sa trabaho. Kuya please"
"Gagawin mo ang lahat?" Hmmm? Ano kaya pwede pagawa sa babaeng to?
"Opo kuya!" mabilis niyang sagot
"Lahat talaga?" Sabi ko sabay ngumisi sakanya.
Kitang kita ko naman na kinabahan siya. Aba, Dapat lang. Dahil hindi pa sapat ang buhay niya bilang pambayad sa kotse ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
It Started with a CRASH
Fiksi RemajaNagsimula sa pagbabasagan Sinundan ng Pagpapanggap Umextra pa si Kasalan Pero... Mauwi kaya ang lahat sa Pagmamahalan? "And they lived happily ever after" A fairytale's ending. But... do fairytales exist? Magkaroon kaya kami ng Happy Ending? O mauw...
