Chapter 1

448 16 3
                                        

"Ate! Ate! Gising na!" gising nanaman sakin nung bunso kong kapatid. Ang aga aga pa. Nambbwiset na.

"ASDFGHJKL hmmmm.... ano ba ang aga pa"

"ate! Ano baaaaa" di ko siya pinansin. Balakadiyan.

"Wait 5 minutes." Nagtaklob ako ng kumot at sinipa siya paalis ng kama ko

"Aray ko naman! Ate late kana sa trabaho mo!"

Bigla akong napabangon at napatingin sa oras. Di ko pa makita ng maayos kasi may muta muta pa ako. Nung umayos na mata ko. Halos malunok ko na yung laway ko kasama na dila ko.

7:45 na? Totoo ba nakikita ko? Parang kakatulog ko pa lang eh. Ang bilis ng orasssssss!

"Naman eh! Bakit ngayon mo lang ako ginigising?" Pagmamaktol ko sa kapatid ko. Kahit alam kong kanina pa niya ako ginigising.

"Anong ngayon? Kanina pa po kita ginigising ate! Mamaya ka na dumakdak jan! bilisan mo na!" Sabay hampas sa pwet ko

"Lumabas kana. Maliligo na ako" sabay tayo at kuha ng towel.

Patay nananaman ako nito! 8:00 ang pasok ko sa restaurant na pinapasukan ko. Ako pa naman minsan yung nakatoka sa kusina di kaya waitress naman kapag maraming customer o kaya taga hugas ng pinggan at ng mga kawali dun sa restaurant.

Oo na ako na madaming alam,  kailangan to eh para matanggap sa trabaho at magkaroon ng pera.

Pati ako na tumatayong nanay sa bahay. Wala na kaming parents at next time ko na lang kkwento kasi ang dami ko ng sinasabi. Daldal  pa ako ng daldal kala mo walang hinahabol na oras.

Sa pagdadaldal ko hindi ko namalayang tapos na pala ako maligo, ang galing diba? Di pa pala ako nagpapakilala.

I'm Eeyah Madrigal nakatira sa Kaliwa street hindi Kanan Barangay City! Maganda, Sexy, Matalino sabi nila nasa akin na daw lahat pero wala naman kaming pera paano naging daakin ang lahat? Part time ko lang yung sa Restaurant. 3:00 pm pa naman kasi ang pasukan ko sa school hanggang 7:30 and Engineering student ako.

May 2 akong kapatid isang babae yung gumising sakin bunso siya at si kuya syempre lalake.

Nagaaral kami sa pinaka sikat na school sa Quezon City

Ang Pahardo University, Oo, scholar lang kami dun syempre di naman kakayanin ng pang araw araw naming pera kaya kailangan mag aral mabuti, yung kuya ko 2nd year college na, ako? 1st year college, yung bunsong kapatid ko naman grade 8. Kami ni kuya parehas nang nagtatrabaho para sa mga pangangailangan namin. Kaya nga medyo spoiled si bunso pero hindi man sobrang spoiled na pati mga mamahaling luho binibigay. Alam niya naman na di pa namin kaya sa ngayon.

At dahil nga isa akong dakilang madaldal,  nakarating na ako sa restaurant na pinagttrabahuhan.

Ngumiti ako at binati ang manager kong napakabait

"Good Morning Sir!" Sabay pacute

"Hoy Eeyah! kung binibilisan mo yang kilos mo? Eh mas naunahan ka pa ng pagong eh!"

Binabawi ko na, Yung manager kong panot pala na ubod ng sama na kulang na lang maging katabi ni Lucifer... syempre joke lang hehe

"Nasaan po yung pagong?" Sabay tumingin tingin sa paligid.

"Ay namimilosopo pa si bruha! tsk. Bilisan mo na! Namumuro ka na sakin" Napairap na lang ako sakanya 

Tsk, nakakairita yung boses niya samantalang lagi naman ako maaga ngayon lang hindi.

Kinuha ko na yung pagkalaki laking menu at pumunta dun sa table nung mga lalaking maiingay. Tokwa, simula dumating ako ang ingay ingay na nila. Pakiramdam ko nga bagay na bagay sila bilang bagong alarm clock ko eh.

"Goo morning po, Here's the menu sir" ako sabay binigay isa isa sakanila yung pagkalakilaking menu. Oo paulit ulit ako sa malaki kasi sobrang laki talaga. OA ni panot e.

"Miss can I order.... you?" yung lalaking mukhang manyak. Duh, asa naman papatol ako, wag kang ganyan kuya baka magsuplada ako ng wala sa oras at ayaw ko iyon baka matanggal pa ako sa trabaho ko.

"Miss I'm asking you" napatingin ulit ako sakanya, prenteng nag cross arms pa siya at tinignan ako mula dibdib hanggang paa. Pwede mag mura?

"Sir? Alam ko naman pong marunong kayo magbasa and you know wala po diyan na pwede akong orderin." Sabay smile

"Eh paano nga kung gusto ko ikaw?"

"Sir, bawal nga po. Di naman po ito bar at di rin po talaga pwede. Excuse me po" Pero bago pa man ako makatalikod biglang niyang tinapon sakanya yung tubig. Wtf? Anong problema nitong lalakeng to? May sapak ata to sa utak. Nakakairita

"I'm sorry sir, what's happening here?" Yung panot kong manager. Napairap na lang ako at napakamot sa noo. Peste

"Pwede bang wag kayong maghahire ng tatangatangang empleyado dito?" Sabay tingin niya sakin at smirk. Bigwasan ko kaya to? Ng makita niya kung sino kinakalaban niya, pumapatol ako sa panget aba.

"Ako po sir?" Nagpapakabait pa ako. Ayaw ko mawalan ng trabaho. Badtrip.

"Hindi ba ikaw miss? Nagoorder lang ako bigla mo ko binuhasan" demonyo talaga.

"Ba't naman po kita bubuhusan ng walang dahilan?" Sabay taas ko ng kilay at sama ng tingin

"Kasi diba? Crush mo ko?" Wow ang lakas ng hangin muntik ng tangayin ang buong resto.

"Sir tapos na ako sa pagiging mabait. Ano po ba gusto mo mangyare?" Nakipag titigan siya sakin at masama din ako tumitig sakanya.

"Shut up Eeyah! Better pack your things in your locker cause from now on YOU'RE FIRED!"

Tang....ina? Kasalanan ko pa?

It Started with a CRASHWhere stories live. Discover now