CHAPTER 5

3K 143 19
                                    

"Ano!? tangina hinarass ka n'ya!? Aba tarantado pala yung Fernandez na'yon ah pigilan niyo ko papaliparin ko yung kamao ko sa bwakanangshit na'yon!"


"Hinde babae, gusto mo ba ihatid pa kita? May pang piyansa naman tayo eh tara na, sabihin mo lang ang address ng pugitang 'yan at nangangati na yung kamay ko na sampalin siya ng mag kabila! "


"Ang alam ko malapit siya sa Ayala. Ano sugurin na ba natin beh?"


"Kunin ko lang yung susi, bayaran mo gasolina ko ah tangina mahal na per litters ngayon."



Napahawak na lamang ako sa aking sintido at marahan itong hinilot. I thought only high percentage of alcoholic beverages can cause headache, pati rin pala ang mga overacting mong tropa.


Hindi na ako mag tataka kung isang araw kakatok nalang sa pinto namin ang Landlord ng apartment na ito at papalayasin na kami dahil sa nakakabinging ingay at mga natamong reklamo mula sa kapit-bahay. Huhuhu Kia umuwi ka na nga kasi.


"Calm down, okay? I am hundred billion percent fine so there's no need for you two to leave and make a disastrous scene. Nakauwi naman ako ng buo kaya huwag na kayo mag hanap pa ng gulo." I mumbled and release a heavy sighs.


Mukhang hindi naman natinag sa aking naturan si Astrid at iritadong niyugyog ang aking balikat.


"Damn Lina, baki ba kasi ngayon mo lang sinabi!? I can easily sent him straight to jail or pay someone so they can torture him! he deserve it naman kasi gago siya! Paki ko kung mayaman siya, eh mayaman din naman ako tapos maganda pa."


I glanced at her, then shifted my gaze to Eros who also look concerned.


"You should have said it right away Lina, although napansin ko na wala ka sa sarili at namumutla kagabi hindi naman ako Marites para pakialaman ka. Pero nag a-alala talaga ako sa'yo, muntikan na nga ako mapadasal na sana hindi ka sinasapian."


"She looked pale last night!? Why you didn't tell me?!"


"Kasasabi ko lang, hindi ako Marites."


I bite my lower lip and finally averted their eyes.


Hindi ko nga alam na namumutla ako kagabi.


"Stop overthinking. If I tried to tell this thing to you last night, baka hindi na inabutan ng araw yung  Fernandez na'yon at nabaon na agad sa hukay," I rolled my eyes and reach out her hand, marahan itong tinapik. "You don't have to worry Astrid, okay lang talaga ako. At ikaw din Eros, stop stressing yourself over this matter at sayang ang beauty hmm," I console and plastered a sweet smile.


"I love you talaga beh. Pero ang sarap niya pa ring sabunutan." He giggled and make a finger heart.


"Minsan talaga napuputol yung sungay mo noh? Kaso laging sa maling sitwasyon." singit ni Astrid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck En Strings (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon