20

10.9K 273 64
                                    

MAAGANG nagising si Grant kinabukasan para puntahan si Josephine sa apartment nito, hiningi pa niya ang address nito sa kaibigan nito, dahil hindi niya matawagan ang cell phone nito, ngunit ang sabi ng nakasalubong niyang babae ay nakaalis na daw ito, kaya sa kompanya na lang siya dumiretso.

Sa Marketing office siya dumiretso para makita ang dalaga, nagulat pa nga ang mga tao doon nang makita siyang nagpunta doon, hindi kasi siya nagpupunta doon, hinanap niya agad si Josephine sa mga nakita niyang kasamahan nito noon, ngunit ang sabi ng mga ito ay dumaan lang daw ito sa opisina para mag-file ng vacation leave nito, for a week. At kaaalis lang daw nito patungo sa bus terminal pauwi sa probinsya nito.

Mabilis siyang umalis para maabutan ito. Napamura siya! Kung kailan naman niya napagdesisyonan na kausapin ito, saka naman ito umalis. Mabilis siyang nakapunta sa parking lot para kunin ang kanyang sasakyan at sundan si Josephine.

Ang alam lang niya ay tiga-Pampanga ito, pero hindi na niya ang address nito doon, hindi na niya nagawang itanong sa mga kasamahan nito kanina. Muli niyang sinubukang tawagan ang cell phone ni Josephine, pero out of coverage pa rin. Nahampas tuloy niya ang kanyang manibela.

After thirty minutes ay nakarating din siya sa bus terminal papuntang Pampanga, mabuti at hindi traffic at hindi gano'n kalayo sa kompanya nila. Pagkababa niya sa kanyang sasakyan ay nagtanong na siya agad sa mga taong nandoon at napag-alaman niyang kaaalis lang daw ng bus patungo sa Pampanga.

Malapit na siyang mabaliw!

Pagkasakay niya sa kanyang sasakyan ay mabilis na niyang pinaharurot 'yon, siguro ay hindi pa naman nakakalayo ang bus. He needed to see her, to talk to her, to tell her how much she means to him that he really love her so much and he couldn't afford to lose her.

Napapalingon siya sa mga victory liner na bus, dahil baka naroon lang ito—hanggang sa makita na nga niya itong nakasakay sa bus na katapat nang sasakyan niya, nasa pinakadulo itong parte ng bus at tabi ng bintana.

Mabilis niyang binuksan ang bintana ng sasakyan niya at kumaway-kaway dito, pero hindi siya napapansin nito, palibhasa ay tutok ang mga mata nito sa harapan, marahil ay nanonood ito ng TV.

"Damn it!"

Binubusinahan na lang niya ang bus at sinisenyasan itong tumigil na muna, pero ang epic lang dahil hindi nga pala pwedeng tumigil sa express way, kaya maghihintay pa siya ng stop light. Lahat na ng mga tao sa sasakyan napalingon sa ginawa niya, pero hindi niya na 'yon pinansin.

Pagkatigil ng bus ay mabilis siyang lumabas sa kanyang sasakyan, saka mabilis na kinatok ang bus para pumasok sa loob.

Bawal daw siyang pumasok dahil baka mahuli ang mga ito ng mga pulis, bawal daw kasing magsakay ng pasahero doon, ngunit hindi siya tumigil sa kakakatok, hangga't hindi siya pinagbuksan ng pintuan. Pagkabukas ng pintuan ng bus ay mabilis siyang sumakay sa loob.

"Josephine Cabero!" sigaw niya, naagaw na niya ang atensyon ng lahat ng mga pasahero doon. Naglakad siya sa lugar na kinaroroonan nito, nang magtagpo ang kanilang mga mata ay mabilis itong nagkubli sa likuran ng upuan. Mabilis niya itong nilapitan sa likuran. "Hey, let's talk." Malumanay na sabi niya.

"'Uy mister, marami nang bumubusinang sasakyan dahil sa kotse mong nakaharang sa daan," Imporma ng kondoktor sa kanya.

Napalingon siya sa labas ng bintana at tila nababanas na nga ang mga sasakyan na nasa likuran ng sasakyan niya, napailing siya, mag-gi-green light na kasi!

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now